Philippine News

Social Icons

Date Published:

4:58 PM November 8, 2018

Date Updated:

11:45 AM November 12, 2018

in: Maikling Kwento
Share to Facebook Share to Twitter More...

Ang Maikling Kwento ni Baste at ng Aso niyang si Pancho

MAIKLING KWENTO – Narito ang maikling kwento tungkol kay Baste at sa aso niyang si Pancho.

Si Baste ay ulila na sa ama at sa ina. Namatay ang nanay pagkatapos manganak sa kanya at ang ama niya naman ay pumanaw noong siya walong taong gulang pa lamang.

Ang tiyuhin ni Baste ang nagpalaki sa kanya. Kasama niyang lumaki ang asong pinangalanan niyang Pancho. Bigay ito ng tiyuhin niya sa kanya noong magtapos siya sa sekondarya.

Matalino si Baste, gayundin si Pancho. Mula noong tuta pa lamang ito hanggang umabot ng dalawang taon, si Baste ang lagi niyang kalaro. Hindi rin mabarkada ang noo’y nasa ikalawang taon sa kolehiyo na binata.

Maikling Kwento, Si Baste At Ang Aso Niyang Si Pancho

Malapit ang bahay nina Baste sa daungan kung kaya’t lagi silang namamasyal ni Pancho doon. Mabait ang aso at parehas silang kilalang-kilala ng mga nagtratrabaho doon.

Halos araw-araw pagkatapos ng klase ay naglalakad sila papunta doon at hinihintay nila ang paglubog ng araw.

Subalit, habang lumilipas ang panahon at nasa ikatlong taon na sa kolehiyo si Baste, wala na siyang oras para kay Pancho. Marami na rin siyang bagong kaibigan at malimit na silang pumunta sa daungan.

Nalungkot is Pancho sa mga pagbabago sa buhay ng taong tinuturing niyang matalik na kaibigan. Nakapagkatapos ng kolehiyo si Baste ngunit ibang-iba na ito lalo na noong nakapagtrabaho at nakapagpatayo na ng sarili niyang bahay.

Pumanaw ang tiyo ni Baste bago pa sila lumipat sa bago niyang bahay. Isinama niya si Pancho ngunit malungkot pa rin ito.

Madalang lang kasi silang makapaglaro. Palaging umaalis ng bahay si Baste o ‘di kaya’y pinupuntahan siya ng mga kaibigan niya sa bahay niya. Pati pag-uugali niya ay nag-iba na.

Isang araw, umuwi ng lasing si Baste. Naka-tyempo naman na sobrang nananabik si Pancho sa kanya kung kaya’t tumakbo ito patungo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ng aso, tinaboy siya ni Baste.

Nagtampo ang kawawang aso. Kinabukasan, pagka gising ni Baste, wala si Pancho sa bahay nila. Hinanap niya kung saan-saan. Bumalik na rin siya sa dating nilang bahay ngunit wala ang aso doon.

Habang nagmamaneho si Baste palabas ng baryo, doon sumagi sa isip niya na ibang-iba na talaga ang buhay niya. Naalala niya yung mga panahong makapaglaro lang sila ni Pancho ay masaya na siya.

Napagtanto niya na lubos niyang napag-iwanan ang tanging nandun palagi sa tabi niya bukod sa tito niya. Bigla niyang naalala ang daungan. Agad-agad siyang pumunta roon.

“Baste! Ang tagal mo na ‘ring hindi pumupunta dito ah, asensado ka na talaga. Nauna pa yung aso mo sa iyo dito,” sabi ng guwardiya.

Bakas ang saya sa mga mata ni Baste sa narinig niya. Agad-agad siyang pumunta sa lugar kung saan palagi silang umuupo ni Pancho noon at nanunuod ng paglubog ng araw. Doon nakita niya ang matandang aso na nakaupo ng mag-isa.

Lumapit si Baste kay Pancho at hinawakan niya ito na parang nilalambing. Agad naman humiga ang aso sa mga paa ng binata.

Simula noon, palagi na muling naglalaro sina Baste at Pancho. Bumabalik na rin sila sa mga dati nilang pinupuntahan at inaalala na ng binata ang dati’y simpleng pamumuhay.

Ano ang masasabi mo sa maikling kwento na ito? Pwede mong ibahagi ang iyong reaksyon o ang aral na iyong natutunan mula sa maikling kwento sa pamamagitan ng komento.

Share to Facebook Share to Twitter More...
{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.