OFW’s Daughter With Weird Name Spelling Graduated As Cumlaude

OFW’s Daughter With Weird Name Spelling Graduated As Cumlaude

An OFW’s daughter with weird name spelling graduated as ‘cumlaude’ despite all the hardships of growing up in a broken family.

Djheanne Shyrb, a talented daughter of an Overseas Filipino Worker (OFW) successfully graduated college as ‘cum laude’ even after her parents split.

The young lady shared her experience growing up in a broken family and how her auntie and uncle brought her up having a communication with her parents.

OFW’s Daughter

Shyrb is a consistent honor student although her teachers, classmates, and friends usually mistakenly spell her name.

The cum laude shared that she was always giving her best in school and although there are times that she fell lazy.

OFW’s Daughter

However, Djheanne said that she always trust in the Lord who gives her strength and wisdom during examinations.

OFW’s Daughter

The newly graduated student revealed that her parents inspired her to give her best to achieve what she has right now.

Here’s the full story:

“Ako yung tipo ng estudyanteng sanay sa hapitan, walang tulugan, kasi bukas na ang pasahan.. Minsan tamad pero mas madalas masipag dahil kailangan.. Papasok kahit late.. Magrereview magpahanggang sa byahe at elevator paakyat ng classroom.. Matatagpuan sa room na walang tao o sa gilid ng hagdanan tuwing bago magexam.. May mga pagkukulang man, sisiguraduhin namang makakabawi sa exam.. Madalas huling magpasa ng papel hindi dahil walang masagot (pero minsan naman talaga wala ko masagot kundi dahil pinagiisapan mabuti ang bawat sagot.. Lagi akong nakaupo sa harap ng klase hindi dahil aktibo kundi dahil malabo ang aking mga mata.. Minsan narin umiyak dahil sa pagod gumawa ng sandamakmak na paperworks.. pero nagpunas ng luha at sinabing “kaya ko to sa tulong ni Lord at ng aking mga kaibigan”..

Hindi naman talaga ako magaling.. Si Lord ang tunay na magaling sa buhay ko.. Sa tuwing may pagsusulit, palagi kong ipinagdarasal na sana maisaulo ko lahat ng pinagaralan at bigyan nya ako ng sapat na karunungan.. May pagkakataong hindi ako handa kaya naman imbis na sabihing “bahala na si batman” ,”bahala na si Lord” ang sinasabi ko dahil sya ang superhero ko.. Kung nahihirapan ka at kailangan mo ng tulong nandyan si Lord hinding hindi ka pababayaan..

Hiwalay man si mama at papa, mapalad parin naman ako dahil pinalaki kami ng maayos ng aking mga tiyohin at tiyahin.. Masakit na mawalay sa magulang sa murang edad.. Pero alam ko na mas masakit umalis at iwan ang mga anak upang magtrabaho sa ibang bansa at hindi sila makitang lumaki.. Nag-aral akong mabuti hindi lang para sa aking sarili kundi para masuklian ang hirap at sakripisyo ng aking mga magulang.. Sila ang nagsilbing inspirasyon ko sa pag-aaral..

Isang malaking karangalan ang makapagtapos ng pag-aaral.. Hindi mo lamang ito tagumpay bagkus tagumpay narin ng iyong mga magulang.. Naniniwala ako na hindi nasusukat sa dami ng karangalan ang tunay na galing ng isang kabataan.. Bagamat nakapagbibigay naman ito ng ngiti at kasiyahan sa ating mga magulang.. Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa iba.. Ang bawat tao ay may iba’t iba at kanya kanyang abilidad.. Ang tanging kakompitensya mo lamang ay ang iyong sarili.. Kung paano mo ba mas pagbubutihan pa sa mga susunod na pagsubok sa buhay.. Strive to be better than your oldself until you become the best version of yourself.. Buong puso akong nagpapasalamat sa mama ko na halos 13 years ng nagtatrabaho sa Saudi bilang isang DJ.. Sa papa ko na gabi gabing puyat at pagod sa pagbabanda para kumita.. Mama and Papa salamat sa lahat ng sakripisyo, mahal na mahal po namin kayo ❤❤❤ Sa dalawa kong kapatid, salamat sa suporta.. Sa mga tito at tita ko na nagalaga sa amin mula elementary , highschool hanggang magcollege, maraming salamat po.. At sa buong family ko na palaging nandyan para tingnan kaming magkakapatid.. Sa taong espesyal sa akin, Michael Aldrian salamat sa lahat ng effort at pagmamahal ☺.. Salamat sa lahat ng aking mga kaibigan sa tulong at sa walang sawang words of encouragement.. Sa lahat ng naging guro ko, maraming salamat po sa mga karunungang ibinahagi nyo sa amin.. Sa lahat ng mga naging kaklase ko, salamat sa masasayang ala-ala.. Maraming maraming salamat sa lahat ng taong naging parte ng masayang buhay estudyante ko 🙂 Higit sa lahat lubos akong nagpapasalamat kay Lord dahil lahat ng mayroon ako ay nagmula sa kanya..

Para sa aking butihing magulang.. I love you mama and papa Simula pa man noon mali mali na spelling at pangalan ko maging sa ID.. Patawad sa mga gurong nahirapan sa pagbigkas ng pangalan ko. Grade 6 – 4th year high school – 4th year college hindi pa kasi uso ung full pack na make up noon Maraming salamat STI “Shyrb” not “Shryb”.

What can you say about this? Just feel free to leave your comments and reactions to this article.

You can also read Male Passenger Nearly Fell Off From Overloaded Multi-Cab Caught On Camera

Leave a Comment