Ano Ang Pang-Abay Na Panlunan At Halimbawa Nito? (Sagot)
Pang-Abay Na Panlunan Halimbawa – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na pang-abay na panlunan at ang mga halimbawa nito.
Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang abay kung saan ito ay naglalarwang kung saan naganap o magaganap o gaganapin ang kilos ng pandiwa. Heto ang mga halimbawa ng pang-abay na panlunan:
- sa mainit na dalampasigan
- sa isang mayamang lupain
- sa bukid
- sa Manila
- sa Lungsod ng Cebu
Mga halimbaw anito sa pangungusap:
- Sa mainit na dalampasigan naninirahan ang kaibigan kong si Peter.
- Sa isang mayamang lupain ay nakatira ang isang dalagang kanyang iniibig pero kinalimutan.
- Tuwing bakasyon sa eskwelahan ay umaakyat ang magkakaibigan sa bukid.
- Sa Manilaa ng paborito kong pasyalan tuwing summer.
- Sa Lungsod ng Cebu mo matatagpuan ang magaganda at ibat-ibang klase ng chicharon.
Sa pamamagitan ng pang-abay na panlunan, ating masasakot ang katanungan na “saan”. Eto rin ay nagbibigay sa atin ng kaalaman patungkol sa ibang detalye ng isang pangungusap.
Mayroong tatlong pangunahing uri ng pang-abay. Ito ang sumusunod:
- Pang-abay na panlunan
- Pang-abay na Pamaraan
- Pang-abay na pamanahon
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Pagkakaiba Ng Rin At Din – Kahulugan At Paliwanag Nito