Ano Ang Pagkakaiba Ng Rin At Din? (Sagot)
RIN AT DIN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pagkakaiba o kaibahan ng salitang “rin at din”.
Kung titignan, halos magkapareho lamang ang gamit ng rin at din. Subalit, mayroon patuntunan o mga batayang sinusundan upang magamit ang mga salitang rin at din nang wasto.
Ang “din” ay ginagamit kasunod ng mga salitang nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.
Samantala, ang “rin” naman ay ginagamit kapag ang sinusundang ga salita ay nagtatapos sa mga patinig o ang mga mala-patinig ng katinig w at y.
Mga halimbawa ng gamit ng “Rin”:
- Nasasaktan na rin si Peter kaya huwag ka nang manggulo pa sa kanilang relasyon.
- Bata rin ang nanalo sa patimpalak.
- Taga Cebu rin si Eva.
Mga halimbawa ng gamit ng “Din”:
- Ubos din ang aking mga paninda.
- Si Eva ay kapatid din ni Maximus.
- Si Hector ay malakas din katulad ng kanyang kapatid na si Peter.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Malalim Na Salitang Tagalog – Lumang Tagalog Na Salita
Salamat sa inyong impormasyon. Ngayon ko lang nalaman ang ganitong balarila na ni hindi man lanh tinuturo ng aming mga guro mula ng aming pagkabata.