Paano Gumawa Ng Panukalang Proyekto – Halimbawa At Iba Pa

Paano Gumawa Ng Panukalang Proyekto? (Sagot)

PAANO GUMAWA NG PANUKALANG PROYEKTO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kng ano nga ba ang isang panukalang proyekto at paano ito ginagawa.

Kapag ikaw ay susulat ng panukalang proyekto, dapat mong gawing makatotohanan at makatuwiran ang panukalang proyekto. Bukod rito, dapat ring itanghal ang mga benepisyo na makukuha rito.

Ang isang panukalang proyekto ang may tatlong bahagi: Panimula, Katawan, at Kongkulsyon. Sa panimula, nakasaaad ang mga rasyonal o mga problema, layunin, o ang motibasyon ng pag-gawa ng panukalang proyekto.

Paano Gumawa Ng Panukalang Proyekto – Halimbawa At Iba Pa

Samantala, ang katawan ay nilalagyan ng mga detalye ng mga kailangang gawin at ang badyet para sa proyektong gagawin. Panghuli, sa kongklusyon naman nilalahad ang mga benepisyong makukuha sa proyekto.

HALIMBAWA:

I. Pamagat: Panukalang Proyekto sa pagkakaroon ng maayos na hardin sa ABC elementary school.

II. Proponent ng proyekto: Juan Dela Cruz

III. Kategorya:

Ang proyektong pag sasaayos ng hardin ay pangangalapan ng pondong galing sa gagawing fund raising upang makakolekta ng sapat na pera para sa proyektong ito kasasa amg tulong ng mga guro,magulang at punungguro ng ABC elementary school.

IV. Petsa:

Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbangin upang masimulan at matapos ang pag sasaayos ng hardin at pagdadagdag ng mga tanim para sa vertical garden na ilalahad sa ibaba.

PetsaMga gawainLugar/Lokasyon
Pebrero 25-30, 2020Pag aaproba ng punong guroABC
Marso 03-24, 2020Maghahanap ng donasyon para sa mga libroABC
Marso 26-April 05, 2020Paghahanap ng murang tanim para sa hardinDEF Plant Supplies
Marso 27-April 10, 2020Inaasahang araw ng pangongolekta ng mga tanim.LHS
Abril  17- May 30, 2020Paglalahad ng tawad para sa mga materyales na gagamitin sa pag papagawa ng lagayan ng mga tanim.EFG Hardware Company
Abril 11-16, 2020Inaasahang pagsisismula ng proyekto sa pag sasaayos ng lagayan mga tanim.ABC
Mayo 25-31, 2020Pagsasaayos ng mga nakolektang tanim.ABC
Enero 02, 2020Pagtatapos ng proyektoABC
Enero 05, 2020Pormal na pagbubukas ng hardinABC

V. Rasyonal:

Ang kahalagahan ng proyektong ito ay makapagbigay ng pakinabang sa pagkakaroon ng maayos at organisadong hardin sa ABS Elementary School.

VI. Deskripsyon ng Proyekto:

Ang proyektong ito ay maaabutan ng mahigit limang buwan upang ang nais matamong pag papaganda sa hardin ay maitutupad.

VII. Badget:

Sa Proyektong ito inaasahang badget na igugol sa paaralan ay ilalahad sa ibaba.

Bilang ng AytemPagsasalarawan ng AytemPresyo ng bawat aytemPresyong pangkalahatan (php)
Pangangalap ng donasyong tanim                0                 0
Pagbili ng mga dagdag na tanimBase sa sinumiteng presyo ng DEF Plant Supplies              500            15,000
Pagpapagawa ng mga bagong lagayan ng mga tanim sa vertical garden             2,500            15,000
Kabuuang gastusin     Php 30,000


VIII. Pakinabang:

Ang mga mag aaral ng ABC Elementary ang makikinabang sa proyektong ito dahil matuturuan ang mga bata sa kahalagahan ng patanim at pag-alaga ng mga isang hardin. Sa paraang ito, matuturuan rin ang mga bata ng “hands-on” na paraan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Pantikan Sa Mga Tao – Halimbawa at Paliwanag

1 thought on “Paano Gumawa Ng Panukalang Proyekto – Halimbawa At Iba Pa”

  1. Isang magandang proyekto na pinag aaralan nang bagong estudyante na si baby Trixie jane smith montefalco sa kanyang bagong paaralan ngayon!

    Reply

Leave a Comment