Kabanata 50 Noli Me Tangere – “Ang Mga Kaanak Ni Elias” (BUOD)

Kabanata 50 Noli Me Tangere – “Ang Mga Kaanak Ni Elias” (BUOD)

KABANATA 50 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 50 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 50 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalimampung kabanata.

Ang Kabanata 50 ay may titulo na “Ang Tinig Ng Mga Pinag-uusig” na sa bersyong Ingles ay “Ang Mga Kaanak Ni Elias”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Nagpatuloy na nag-uusap si Elias at Ibarra. Dito ibinunyag ng piloto na ang pamilya niya ay mula rin sa mga sawimpalad.

Namasukan noon ang nuno ni Elias sa isang bahay-kalakal sa Maynila na pag-aari ng isang Kastila. Nasunog ito at napagbintangan ang nuno niya. Pinarusahan ito at kinaladkad ng kabayo.

Namundok na lang ang mag-asawa dahil doon. Ngunit namatay ang bata sa sinapupunan ng babae. Nagpatiwakal naman ang lalaki dahil sa kamalasang nangyari. Di siya naipalibing ng babae dahil walang pera. Nang mangamoy ang bangkay, nalaman ng mga awtoridad at nais maparusahan ang babae ngunit nagdadalang-tao ito kaya ipinagpaliban.

Nang makatakas sa mga awtoridad, lumipat sa malayong probinsya ang babae. Sa paglaki ng panganay, naging tulisan ito habang ang isa naman ay nanatiling matino.

Nagpatiwakal din ang anak na panganay ng babae habang nagpakalayo-layo naman ang bunso.

Napadpad siya at naging obrero sa Tayabas. Nakagiliwan siya ng lahat dahil sa mabuting ugali at nakahanap ng mapapangasawa. Mayaman ang babae at pinaghiwalay sila ng mga magulang. Ngunit buntis na pala ang babae at nagsilang ng kambal. Ang kambal na ito ay sina Elias at Concordia.

Tulad din ng mga ninuno nila, nagpakamatay din si Concordia dahil sa labis na lungkot at natagpuan na lamang ang nila ang bangkay nito sa Calamba.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 49 – Ang Tinig Ng Mga Pinag-uusig
Kabanata 51 – Mga Pagbabago

Leave a Comment