Kabanata 20 Noli Me Tangere – “Ang Pulong Sa Tribunal” (BUOD)
KABANATA 20 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 20 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung na kabanata.
Ang Kabanata 20 ay may titulo na “Ang Pulong Sa Tribunal” na sa bersyong Ingles ay “The Meeting In The Town Hall”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Kumpleto na ang mga kasapi na nasa bulwagan para sa pulong ng tribunal. Nahati ito sa dalawang grupo – ang konsertabatibo ng mga matatanda at ang liberal ng mga nakababata.
Mayroong panukala ang bawat paksyon para sa nalalapit na kapistahan ng bayan Nais ng mga konserbativo na ang kapistahan ay marangya at magarbo. Para sa kanila, nais nilang maging masaya ang alkalde at prayle sa selebrasyon.
Gusto nilang magdaos ng dalawang araw na kapistahan at bubuksan ang bahay-pasugalan. Ito ay kasabay ng pagtapon ng mga pagkain sa lawa alinsunod s atradisyon ni Sila na kilalang Romanong diktador.
Ito ay isinalungat ng mga liberal, na nais nilang maging isang selebrasyon ito na ang taong bayan ang mapapasaya at hindi ang mga iilan lamang. Nais nila na ang matitipid na pondo ay gagamitin sa pagpapatayo ng mga silid aralan.
Ito naman ay hindi sinang0ayunan ng mga konserbativo dahil malulungkot at magagalit ang mga alkalde at kura.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 19 – Karanasan Ng Guro
Kabanata 21 – Kasaysayan Ng Isang Ina