Kabanata 19 Noli Me Tangere – “Karanasan Ng Guro” (BUOD)

Kabanata 19 Noli Me Tangere – “Karanasan Ng Guro” (BUOD)

KABANATA 19 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 19 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal

KABANATA 19 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabing-siyam na kabanata.

Ang Kabanata 19 ay may titulo na “Karanasan Ng Guro” na sa bersyong Ingles ay “A Schoolmaster’s Difficulties”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Dalawang lalaking nakadamit pangluksa ang nagmumuni sa lawa nang tahimik. Sila’y sina Ibarra at ang guro. Ikinumpisal ng guro na kasama niya si Tenyente Guevarra, isang sepulputero, sa pagtatapon ng bangkay ng ama ni Ibarra na si Don Rafael.

Hindi nagalit at tumangis ang binata sa kanyang narinig kundi mas lalo siyang nagka-interes sa pagkatao ng nasabing guro. Sinabi rin ng guro na nais niyang baguhin ang lumang kairalan sa pagtuturo pero nabigo siya.

Habang tumatagal ay nababawasan ang mga nag-aaral na mga bata. Ang silid aralan na ginagamit nila ay isang kwadra. Pinag-aaralan ng mga bata ang mga litanya ng dasal sa wikang Kastila. Pinakita rin sa ito ang marahas na parusa sa bawat kamalian ng mga bata.

Ayaw ng guro ang pamamaraang ito kaya pinilit niyang baguhin pero inalipusta siya ni Padre Damaso sa harapan ng mga estudyante. Nanlumo ang binata sa mga tinuran ng guro pero binigyan ito ng pag-asa na mababago ang lahat balang araw.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 18 – Mga Kaluluwang Naghihirap
Kabanata 20 – Ang Pulong Sa Tribunal

Leave a Comment