Kabanata 7 Noli Me Tangere – “Suyuan Sa Asotea” (BUOD)

Kabanata 7 Noli Me Tangere – “Suyuan Sa Asotea” (BUOD)

KABANATA 7 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 7 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 7 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikapitong kabanata.

Ang Kabanata 7 ay may titulo na “Suyuan Sa Asotea” na sa bersyong Ingles ay “An Idyl on an Azotea”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Si Tiya Isabel ay isang debotong Katoliko. Nakagawian niyang magsimba tuwing umaga kasama ang pamangkin na si Maria Clara. Pagkatapos ng misa na iyon ay nagmamadali na umuwi si Maria Clara na ikinagalit ng kanyang tiyahin.

Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi mapakali at aligaga ang dalaga. Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang kasintahang si Ibarra. Halos pitong taon ding lumipas na hindi nagkita ang dalawang magkasintahan.

Dumating si Ibarra at ginugol ng dalawa ang kanilang oras sa pag-alaala sa kanilang mga nakaraan mula noong sila ay mga musmos pa lamang. Nagbalik tanaw si Maria mula sa kanyang buhay sa Beaterio habang si Ibarra naman ay sa kanyang pag-aaral at pakikipagsapalaran sa Europa.

Isinumbat ni Maria ang paglayo ni Ibarra para mag-aral, pero dagli naman itong sinagot ng binata. Lumayo raw siya para gawin ang mga higit na mahalagang bagay, ang pag-aaral para sa kabutihan ng hinaharap ng bayan.

Naputol ang kanilang usapan nang biglang maalala ng binata ang kanyang mga yumaong magulang. dali-dali siyang nagpaalam at umuwi para makahabol sa nalalapit na undas.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 6 – Si Kapitan Tiago
Kabanata 8 – Mga Alaala

Leave a Comment