Kabanata 30 El Filibusterismo – “Si Huli | Si Juli” (BUOD)

Kabanata 30 El Filibusterismo – “Si Huli | Si Juli” (BUOD)

KABANATA 30 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 30 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.

KABANATA 30 EL FILIBUSTERISMO

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.

Ang nobela ay may 38 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung kabanata.

Ang Kabanata 30 ay may titulo na “Si Huli” o “Si Juli” na sa salng Ingles ay “Juli” lamang. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Malaking usapan sa San Diego ang pagpanaw ni Kapitan Tiago at pagkakahuli kay Basilio. Nalulungkot ng labi si Juli dahil sa nangyari sa kasintahan.

Sa pagnanais na makalaya si Basilio ay naisipan niyang lumapit kay Padre Camora pero nag-aalanan ito dahil sa maaaring gawin sa kanya. Ilang gabi nang binabagabag si Juli sa kaniyang panaginip.

Nabalitaan pa nitong nakalaya na ang mga kasma ni Basilio dahil sa tulong ng mga kaanak. Naisip niyang wala nang tutulong kay Basilio dahil wala na rin si Tiago.

Ayaw man niya ay tumungo siya kay Padre Camorra bilang nag-iisa niyang pag-asa para sa nobyo. At tulad ng inisip niya, hinalay siya ng pari. Tumalon siya sa bintana ng kombento dahil hindi niya kinaya ang kahihiyang ginawa.

Hindi kinaya ni Kabesang Tales ang nangyari sa apo. Wala siyang makuhang hustisya para sa apo kaya sumama na lamang ito sa mga tulisan ng bayan.

BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 29 – Ang Huling Pati-Ukol Kay Kapitan Tiyago
Kabanata 31 – Ang Mataas Na Kawani

Leave a Comment