KASABIHAN – Halimbawa Ng Mga Salawikaing May Dalang Aral
KASABIHAN – Narito pa ang mga iba’t ibang mga halimbawa ng mga kasabihan na mga may dinadalang mga aral sa atin.
Ang salawikain o kasabihan, o kilala rin sa Ingles na Proverba, ay ang simple, konkreto, at tradisyunal na kasabihan na nagpapahayag ng katotohanan na base sa sentido komun o karanasan. Ito ay kadalasang dinadaan sa talinhaga.
Narito ang iba pang mga halimbawa nito na mula sa isang website na myph:
- “Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.”
- “Kung walang katahimikan, walang pagsulong ang bayan.”
- “Kung gusto mong buhay na sagana, laging isaisip ang salitang tiyaga.”
- “Ang batang malinis ang katawan, ay malayo sa karamdaman.”
- “Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.”
- “Ang mayaman ay lalong yayaman, kung sakim at walang pakialam.”
- “Ang mabuting ugali ay patunay, ang maraming kaibigan”
- “Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.”
- “Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay nakasunod parati.”
- “Ang batang hindi matapat, ay masahol pa sa isang ahas sa gubat.”
- “Ang batang makulit, napapalo sa puwit.”
- “Walang lihin na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag.”
- “Kung ang pagsasama ay walang katotohanan, hindi tatagal ang samahan.”
- “Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.”
- “Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.”
BASAHIN DIN
HALIMBAWA NG SALAWIKAIN – 25 Pang Halimbawa
SALAWIKAIN: 20+ Halimbawa Ng Salawikain
15+ Halimbawa Nito Na May Mabuting Aral