HALIMBAWA NG SALAWIKAIN – 25 Pang Halimbawa Ng Mga Kasabihan

HALIMBAWA NG SALAWIKAIN – 25 Pang Halimbawa Ng Mga Kasabihan

HALIMBAWA NG SALAWIKAIN – Narito pa ang mga iba’t iba pang mga halimbawa ng salawikain na ubod ng mga kaalaman.

HALIMBAWA NG SALAWIKAIN

Ang salawikain o kasabihan, o kilala rin sa Ingles na Proverba, ay ang simple, konkreto, at tradisyunal na kasabihan na nagpapahayag ng katotohanan na base sa sentido komun o karanasan. Ito ay kadalasang dinadaan sa talinhaga.

Narito ang iba pang mga halimbawa ng mga kasabihan.

  1. “Kung walang tiyaga, walang nilaga”
  2. “Kaibigan kung meron, kung wala ay sitsaron”
  3. “Puri sa harap, sa likod paglibak”
  4. “Ang tao kapag mayaman, marami ang kaibigan”
  5. “Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganahan”
  6. “Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak”
  7. “Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim”
  8. “Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila”
  9. “Ang taong nagigipit, sa patalim ay kumakapit”
  10. “Anuman ang gawa at dali-dali, ay hindi iigi ang pagkakayari”
  11. ‘Bago ka bumati ng sa ibang uling, pahirin mo muna ang iyong uling”
  12. “Gawin mo sa kapuwa mo ang nais mong gawin nila sa iyo”
  13. “Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot”
  14. “Kung aakyat ka nga at mahuhulon naman, mabuting sa lupa ay mamulot na lamang”
  15. “Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo”
  16. “Tikatik man kung panay ang ulan. malalim mang ilog ay mapapaapaw”
  17. “Ang iyong hiniram, isauli o palitan, upang sa susunod, hindi ka makadalaan”
  18. “Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan”
  19. “Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo”
  20. “Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa”
  21. “Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang”
  22. “Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw “
  23. “Buntot mo, hila mo”
  24. “Hampas sa kalabaw, sa kabayo ay latay”
  25. “Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan”

BASAHIN DIN – SALAWIKAIN – Mga Bunga Ng Kaalaman At Mga Halimbawa

Leave a Comment