ANO ANG PANGATNIG – Ang pangatnig ay isa sa mga bumubuo sa bahagi ng pananalita. Ito ang kahulugan nito at mga halimbawa.
Ang pangatnig ay conjunction sa Ingles at ito ang mga kataga o parirala na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay para makabuo ng isang diwa o kaisipan. Ito ay kadalasan na makikita sa unahan o gitna ng pangungusap.
PANGATNIG – Ano Ang Pangatnig & Mga Halimbawa Nito
Kahulugan Kung Ano Ang Pangatnig & Mga Halimbawa Nito
PANGATNIG – Narito ang kahulugan kung ano ang pangatnig at ang mga halimbawa nito.
Sa ilalim ng asignaturang Filipino sa elementarya, isa sa mga topiko ay ang bahagi ng pananalita. Ang karunungan tungkol dito ay mainam na pundasyon sa pag-intindi ng iba pang mga sumusunod na aralin.
Mayroong walong(8) bahagi ng pananalita. Isa sa mga ito ay ating tatalakayin sa artikulong ito kasabay ng mga halimbawa nito.
Ano ang pangatnig?
Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay, parirala, or pangungusap. Maari itong nagpapakita ng pagbubukod, pagsasalungat, o paglilinaw.
Mga Halimbawa:
- at
- o
- ngunit
- subalit
- kaya
- kung
Pagbubukod
- Sina Ruel at Rodrigo ay magkapatid sa ama dahil nag-asawa ulit si Mayor Hernan noong mamatay ang dati niyang kabiyak.
- Ang saging at mais ay mga paborito niyang pagkain.
- Ano ba ang mas mainam na ipakain sa mga bata para sa meryenda, tinapay o biskwit?
- Kahit magdala man siya ng payong o hindi, mababasa pa rin siya sa lakas ng ulan.
Pagsasalungat
- Pupunta sana sina Ariel at Marcelin sa patimpala ngunit bumaha sa kanilang lugar kaya hindi sila natuloy.
- Magbabayad siya ngunit hindi pa ngayon.
- Nakauwi siya subalit huli na noong dumating siya.
- Bumili siya ng bagong lampara subalit agad itong nasira.
Paglilinaw
- Malakas ang ulan kaya sinuspende muna ang mga klase sa elementary at sekondarya.
- Umuwi siya ng maaga kaya nabigla ang ama niya.
- Kung pupunta si Alex, paniguradong hindi darating si Juan.
- Bibili sila ng bagong telebisyon kung hindi sila makakabili ng bagong mesa.
BASAHIN RIN: ANO ANG PANITIKAN – Kahulugan Ng Panitikan & Mga Halimbawa Nito