BAHAGI NG PANANALITA – Mga Kahulugan & Halimbawa ng Bawat Isa

8 Bahagi ng Pananalita & Kanilang Mga Kahulugan at Halimbawa

BAHAGI NG PANANALITA – Narito ang walong(8) bahagi ng pananalita at mga kahulugan at halimbawa ng bawat isa.

Bawat asignatura na itinuturo sa mga paaralan ay mga pangkat ng topiko na kailangang matutunan upang mas madaling matutunan ang iba pang mga aralin.

Sa ilalum ng asignaturang Filipino, isa sa mga topiko na itinuturo sa elementarya at kailangang matutunan upang mas mapadali ang pag-aaral sa iba pang mga topiko ay ang mga bahagi ng pananalita.

May walong(8) bahagi ng pananalita at ito ang ating tatalakayin sa artikulong ito. Papag-usapan natin ang kanilang mga kahulugan at mga halimbawa ng bawat isa.

Bahagi ng Pananalita

1. Pangngalan

Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, pangyayari, o ideya.

Mga Halimbawa:

  • G. Tom Cruz
  • San Juan Elementary School
  • Kaarawan
  • Silya
  • Aso

2. Panghalip

Ang panghalip ay ginagamit panghalili sa pangngalan upang hindi ito uulit-ulitin sa isang pangungusap o taludtud.

Mga Halimbawa:

  • Ako
  • Ikaw
  • Siya
  • Tayo
  • Kami

3. Pandiwa

Ang pandiwa or salitang-kilos ay tumutukoy sa aksyon ng simuno sa pangungusap.

Mga Halimbawa:

  • Kumakain
  • Naglaba
  • Tumalon
  • Kumanta
  • Umalis

4. Pangatnig

Ang pangatnig ay ginagamit pang-ugnay sa isang salita o lipon ng mga salita sa isang pangungusap.

Mga Halimbawa:

  • Ngunit
  • At
  • Subalit
  • Kaya
  • Dahil

5. Pang-ukol

Ang pang-ukol ay mga salitang ginagamit upang dugtungin ang pangngalan, panghalip, pandiwa o pang-abay sa pinag-uukulan nito.

Mga Halimbawa:

  • Para sa
  • Ayon kay
  • Para kay
  • Hingil Kay

6. Pang-angkop

Ang pang-angkop ay ang mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na mga salita upang mas madulas ang pagbasa nito.

Mga Halimbawa:

  • na
  • ng

7. Pang-uri

Ang pang-uri ay ang mga salitang nagbibigay larawan sa ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, o ideya. Maaari itong maging kulang o bilang.

Mga Halimbawa:

  • Maganda
  • Mataas
  • Dilaw
  • Walo
  • Mapayap

8. Pang-abay

Ang pang-abay ay ang mga salitang nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa, o kapwa niya pang-abay.

Mga Halimbawa:

  • Mabilis niyang kinuha
  • Agad na umalis
  • Pupunta sa ospital
  • Ayaw siyang tantanan

READ ALSO: IDYOMA – Kahulugan ng “Idyoma” & Mga Halimbawa Nito

Leave a Comment