HALIMBAWA NG KAILANAN NG PANGNGALAN – Ang kailanan ng pangngalan ay isahan, dalawahan, at maramihan at ito ang mga halimbawa.
Pagtalakay sa mga kailanang ng pangngalan. Ang mga kailanan nito ay isahan, dalawahan, at maramihan. Alamin ang mga halimbawa nito at mga pananda para madalian itong tukuyon.
Kailanan ng Pangngalan: Kahulugan At Mga Halimbawa Nito
Ano ang mga kailanan ng pangngalan? Magbigay ng mga halimbawa.
KAILANAN NG PANGNGALAN – Bukod sa kasarian, ang pangngalan ay may kailanan din at ito ang mga halimbawa nito.
Ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol, at pandamdam ay mga bahagi ng pananalita. At sa sulating ito, tatalakayin natin kung ano ang kailanan ng pangngalan.
Ang kailanan ng pangngalan ay grammatical number sa Ingles. Tumutukoy ito sa dami o bilang ng ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.
Sa Filipino, mayroong tatlong kailanan: isahan, dalawahan, at maramihan.
- Isahan – tumutukoy sa bilang ng pangngalan na likas na nag-iisa. Ang mga panandang si, kay, ni, ang, ng, sa, at isa ay maari ding gamitin para tukuyin ang kailanang isahan.
Halimbawa:
kapatid, kaibigan, ate, kuya, Ken
Halimbawa sa pangungusap:
- Kumain ng saging ang batang babae.
- Si Mario ay masipag.
- Ang lalaki ay matipuno.
- Dalawahan – tumutukoy sa dalawang bilang lamang na pangngalan. Ang mga katagang sina, nina, kina, pamilang na dalawa, salitang pares at kambal, at pang-ukol na mag- ay ginagamit para mas mabilis matukoy ito.
Halimbawa:
magkapatid, magkaibigan, dalawang bag, mag-asawa, magpinsan, mag-ate, mag-kuya
Halimbawa sa pangungusap:
- Pumitas ako ng dalawang santol.
- Ang magkapatid ay nag-aaway.
- Ang kambal ay magkamukhang-magkamukha.
- Maramihan – tumutukoy sa mahigit sa dalawang bilang na pangngalan. Ang mga pananda para madaling matukoy ito ay ang mga, mga, kina, sina, nina, kayo, tayo, sila, pang-ukol na ng mga, panlaping mag+unang pantig ng pangngalang isahan, mga pang-uring marami, iba-iba, sari-sari, at mga pamilang na higit sa dalawa tulad ng tatlo, apat-apat, at iba pa.
Halimbawa:
magkakapatid, magkakaibigan, mga pusa, mga aso,
Halimbawa sa pangungusap:
- Ang mga ibon na lumilipad.
- Sina May, Mary, at Marynel ay mahusay sa English.
- Mayroon akong tatlong cellphones.
- Tayo ay Pilipino.
READ ALSO:
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.