WALONG BAHAGI NG PANANALITA – Sa wikang Filipino, ang bawat salita ay bahagi ng pananalita at ito ang walong bahagi ng pananalita.
Ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop, pang-uri, at pang-abay ay mga bahagi ng mga pananalita. Bawat salita na ating binibigkas ay bahagi ng isa sa mga ito. Alamin ang mga halimbawa!
BAHAGI NG PANANALITA – Mga Kahulugan & Halimbawa ng Bawat Isa
8 Bahagi ng Pananalita & Kanilang Mga Kahulugan at Halimbawa
BAHAGI NG PANANALITA – Narito ang walong (8) bahagi ng pananalita at mga kahulugan at halimbawa ng bawat isa.
Bawat asignatura na itinuturo sa mga paaralan ay mga pangkat ng topiko na kailangang matutunan upang mas madaling matutunan ang iba pang mga aralin.
Sa ilalum ng asignaturang Filipino, isa sa mga topiko na itinuturo sa elementarya at kailangang matutunan upang mas mapadali ang pag-aaral sa iba pang mga topiko ay ang mga bahagi ng pananalita.
May walong(8) bahagi ng pananalita at ito ang ating tatalakayin sa artikulong ito. Papag-usapan natin ang kanilang mga kahulugan at mga halimbawa ng bawat isa.
1. Pangngalan
Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, pangyayari, o ideya.
Mga Halimbawa:
- G. Tom Cruz
- San Juan Elementary School
- Kaarawan
- Silya
- Aso
2. Panghalip
Ang panghalip ay ginagamit panghalili sa pangngalan upang hindi ito uulit-ulitin sa isang pangungusap o taludtud.
Mga Halimbawa:
- Ako
- Ikaw
- Siya
- Tayo
- Kami
3. Pandiwa
Ang pandiwa or salitang-kilos ay tumutukoy sa aksyon ng simuno sa pangungusap.
Mga Halimbawa:
- Kumakain
- Naglaba
- Tumalon
- Kumanta
- Umalis
4. Pangatnig
Ang pangatnig ay ginagamit pang-ugnay sa isang salita o lipon ng mga salita sa isang pangungusap.
Mga Halimbawa:
- Ngunit
- At
- Subalit
- Kaya
- Dahil
5. Pang-ukol
Ang pang-ukol ay mga salitang ginagamit upang dugtungin ang pangngalan, panghalip, pandiwa o pang-abay sa pinag-uukulan nito.
Mga Halimbawa:
- Para sa
- Ayon kay
- Para kay
- Hingil Kay
6. Pang-angkop
Ang pang-angkop ay ang mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na mga salita upang mas madulas ang pagbasa nito.
Mga Halimbawa:
- na
- ng
7. Pang-uri
Ang pang-uri ay ang mga salitang nagbibigay larawan sa ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, o ideya. Maaari itong maging kulang o bilang.
Mga Halimbawa:
- Maganda
- Mataas
- Dilaw
- Walo
- Mapayap
8. Pang-abay
Ang pang-abay ay ang mga salitang nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa, o kapwa niya pang-abay.
Mga Halimbawa:
- Mabilis niyang kinuha
- Agad na umalis
- Pupunta sa ospital
- Ayaw siyang tantanan
READ ALSO: IDYOMA – Kahulugan ng “Idyoma” & Mga Halimbawa Nito