Basahin ang Maikling Kwento Tungkol Kina Nestor at Joaquin
MAIKLING KWENTO – Narito ang isang kwento tungkol sa magkaibigang sina Nestor at Joaquin, ang mga batang matatanda.
Isa sa mga pinakamagandang paraan ng pagturo ng mga mabuting aral at asal sa mga bata ay sa pamamagitan ng maikling kwento. Maraming mga kwentong mapupulutan ng mga magagandang arala base sa mga ipinapakita ng mga tauhan sa kwento at ng reyalidad ng buhay.
Isa sa mga kwentong pwede mong gamitin upang turuan ng magandang aral ang mga bata ay ang kwento nina Nestor at Joaquin, ang mga batang matatanda.
Si Nestor at Joaquin: Ang Mga Batang Matatanda
Sa iskinita ng Siniwalan, may dalawang magkaibigang nagngangalang Nestor at Joaquin na parehas na sampung taong gulang. Si Nestor ay anak ni Mang Abe na isang lumpo at ni Aling Kuring na matagal nang pumanaw dahil sa kanser. Panganay siya sa apat na magkakapatid kaya’t maaga siyang nagtrabaho.
Si Joaquin naman ay anak ng isang pulis at ng isang labandera, si Aling Estancia. Subalit, anak sa labas ng pulis si Joaquin kaya’t hindi na umuuwi ang tatay niya sa kanila. Katulong siya ng nanay niya sa pagtaguyod ng kanyang dalawang kapatid.
Dahil sa hirap ng buhay, imbes na mag-aral ay nagtatrabaho na sina Joaquin at Nestor para matulungan ang kani-kanilang pamilya. Gumigising ng alas kwatro ng umaga ang magkaibigan at naglalako sila ng puto sa simbahan at kung saan-saan pa.
Pagkatapos maglako ng puto ay babalik sila sa tindahan upang bayaran ang puto na binili nila sa tindahan ni Aling Nena. Ang maliit na tubo na nakukuha nila sa pagbebenta ng puto ay ibinibili nila ng pagkain sa lugawan sa kanto.
Pagkatapos magbenta ng punto at makabili ng lugaw ay umuuwi saglit sina Nestor at Joaquin upang kumain ng umagahan kasama ang kani-kanilang pamilya. Pag sapit ng alas dyes ay muling magkikita sina Joaquin at Nestor na dala-dala na ni Nestor ang kariton. Mangunguha sila ng mga plastik at bakal sa mga basurahan upang ibenta. Hanggang alas dos ng hapon silang naglilibot. Swerte na kung marami silang makuha bagong magsapit ang alas dos.
Ang perang nakukuha nina Joaquin at Nestor sa pagbebenta ng mga plastik at bakal na itinapon ng ibang mga tao ay ipinambibili nila ng pananghalian. Uuwi agad sila at kakain na sa kabila ng matinding gutom.
Pagsapit ng alas tres ay pumupunta sina Nestor at Joaquin sa tindahan ni Mang Kulas upang tumulong sa pagpapapasok ng mga bagong produktong ititinda. Mabibigat man ang mga karton, tulungan sila sa pag buhat ng mga ito papasok ng tindahan.
Noon ay palaging naiinggit sina Nestor at Joaquin sa mga batang nag-aaral. Napapatanong rin sila kung ano kaya yung buhay ng ibang batang ipinanganak na hindi kasing-hirap nila. Subalit, araw-araw pa ring nakikipaglaban sa buhay ang magkaibigan hindi lamang para sa kanilang mga sarili kung hindi para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Aral na mula sa kwento:
Hindi lahat ipinanganak na mag oportunidad na makapag-aral kung kaya’t dapat pahalagahan ang edukasyon. Isang magandang katangian rin ang pagiging mapag-alalahanin sa pamilya lalong-lalo na sa mga magulang at mga kapatid. Ang kwento nina Nestor at Joaquin ay nagpakakita rin ng pagtutulungan ng magkaibigan.