Ito ang apart na aspekto ng pandiwa at ang mga halimbawa nito.
ASPEKTO NG PANDIWA – Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos o galaw at mga pangyayari at ito ang apat na aspekto nito.
Ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol, at pandamdam ay mga bahagi ng pannalita. At sa sulating ito, tatalakayin natin kung ano ang pandiwa at mga aspekto nito.
Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos na kung tawagin sa Ingles ay verb.
Ito ang isang salita o lipon ng mga salita na nagbibigay buhay sa isang pangungusap. Ito ay may apat na aspekto. Ang aspekto ay nagpapahayag kung kailan naganap o nangyari ang isang kilos o gawa.
Ang apat na aspekto at mga halimbawa nito:
- Aspektong Naganap o Perpektibo – Ito ang mga salitang kilos na naganap na. Ginagamitan ito ng mga panlaping na, nag, um, at in at mga salitang kahapon, kanina, noong isang taon, nakaraan at iba pa..
Mga halimbawang pangungusap:
- Kahapon ako kinasal.
- Nakaalis na ang mga bisita ni Mama.
- Katatapos ko lang maglaba nang umulan ng malakas.
- Noong isang taon pa ako lumipat ng ibang trabaho..
- Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan – Ito ang mga salitang kilos na laging ginagawa o ginagawa pa sa kasalukuyan. Ito ay ginagamitan ng mga panlaping na, nag, um, at in at mga salitang habang, kasalukuyan, at ngayon.
Mga halimbawang pangungusap:
- Kumakain ako ng pinya.
- Nagbabasa ako ng libro.
- Umuulan ng malakas ngayon.
- Sa kasalukuyan, ako ay nagluluto.
- Kontemplatibo (Magaganap o Panghinaharap) – Ito ang mga salitang kilos na hindi pa nagagawa o gagawin pa lang. Ito ay may panlaping ma at mag at ginagamitan ng mga salitang susunod, bukas, sa makalawa, pagdating ng panahon, balang araw at iba pa.
Mga halimbawang pangungusap:
- Balang-araw, papakasalan kita.
- Matutulog ako kapag natapos kong basahin ang librong ito.
- Bukas ako magbabayad ng bill sa tubig.
- Maliligo ako sa swimming pool.
- Perpektibong Katatapos (Kagaganap) – Ito ang mga salitang kilos na sandali pa lamang na natapos.
Mga halimbawang pangungusap:
- Kabibili ko lang ng sasakyan.
- Kakanood ko lang sine.
- Kalalabas ko lang sa mall.
- Kakakain ko lang ng burger.
READ ALSO:
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.