KASARIAN NG PANGNGALAN – Alamin kung ano ang apat na kasarian ng pangngalan at mga halimbawa ng bawat kasarian.
Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at iba pa. Ito ay may apat na kasarian: panlalaki, pambabae, di-tiyak, at walang kasarian. Alamin at basahin ang mga halimbawa.
Kasarian Ng Pangngalan – Ano Ang Mga Ito?
Ano ang mga kasarian ng pangngalan? Alamin.
KASARIAN NG PANGNGALAN – Alamin kung ano ang mga iba’t ibang kasarian ng pangngalan at mga halimbawa nito.
Ang mga bahagi ng pananalita ay binubuo ng pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol, at pandamdam. At sa sulating ito, tatalakayin natin kung ano ang pangngalan at ang iba’t ibang mga kasarian nito.
Ang pangngalan ay mga “salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at maraming pang iba”.
Sa Ingles, ito at tinatawag na noun.
At ang isang pangngalan ay maaring matukoy sa isa sa apat na mga kasarian nito: ang panlalaki, pambabae, di-tiyak, at walang kasarian.
Mga kasarian:
- Panlalaki – Ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng lalaki.
Halimbawa:
- ama
- Ambo
- Arjo
- Berto
- duke
- ginoo
- hari
- Harold
- Jericho
- kuya
- labandero
- lalaki
- Lito
- lolo
- maestro
- manong
- Mario
- ninong
- nobyo
- papa
- pari
- pastor
- prinsipe
- sastre
- tandang
- tatay
- tindero
- tito
- tiyuhin
- Pambabae – Ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng babae.
Halimbawa:
- ale
- Ana
- ate
- babae
- binibini
- Carla
- Dina
- doktora
- dukesa
- Gina
- inahin
- Jackie
- labandera
- lola
- madre
- maestra
- mama
- manang
- Mina
- modista
- nanay
- Nancy
- ninang
- nobya
- prinsesa
- reyna
- Rica
- tindera
- tita
- tiyahin
- Di Tiyak – Ito ay tumutukoy sa ngalang panlalaki o pambabae.
Halimbawa:
- alaga
- artista
- banyaga
- bata
- guro
- inaanak
- kaibigan
- kalaro
- kamag-anak
- kapatid
- katrabaho
- mag-aaral
- magulang
- mananahi
- manggagamot
- nars
- pangulo
- piloto
- pinsan
- pulis
- Walang kasarian – Ito ay tumutukoy sa mga walang buhay, walang kasarian, at mga bagay na may buhay pero walang kasarian.
Halimbawa:
- aklat
- alahas
- baso
- damit
- eroplano
- gamit
- halaman
- itlog
- kaldero
- kalye
- lamesa
- lampara
- laruan
- mesa
- orasan
- papel
- pinggan
- plato
- prutas
- puno
- relo
- sapatos
- saranggola
- sasakyan
- simbahan
- sintas
- sumbrero
- tasa
- tsinelas
- upuan
READ ALSO:
- Pang-ukol Halimbawa – Kahulugan At Halimbawa Ng Pang-ukol
- Pangatnig Halimbawa – Kahulugan At Halimbawa Ng Pangatnig
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.