Panahunan Ng Pandiwa – Ano Ang Mga Ito At Mga Halimbawa

Ano ang tatlong panahunan ng pandiwa at mga halimbawa nito?

PANAHUNAN NG PANDIWA – Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw at ito ang tatlong kapanahunan nito.

Ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol, at pandamdam ay mga bahagi ng pananalita. At ang pinakauna nating natutunan sa kanila ay ang pandiwa. Ito ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos.

Ang mga kilos o galaw tulad ng lakad, takbo, dala, tindig, upo, umiral, at marami pang iba ay mga halimbawa nito. Sa Ingles, ito ay tinatawag na verb. At ang mga kilos na ito ay may kapanahunan.

Ano ang tatlong kapanahunan ng pandiwa?

Panahunan Ng Pandiwa

Ang tatlong panahunan ay:

  • Pangnagdaan – Ito ang aspekto na nangyari na o naganap na. Ang kilos ay tapos nang mangyari.

Halimbawa:

Si Aling Nena ay naglaba kahapon.
Ako ay sumulat sa iyo noong nakaraan.
Ipinagdasal kita sa Panginoon.

  • Pangkasalukuyan – Ito ang aspekto kung saan ang pandiwa ay nagaganap pa lang o ang kilos ginagawa pa.

Halimbawa:

Naglilipat na sila ngayon ng mga gamit.
Nagtuturo ako sa elementarya.
Dadalhin ko ang payong dahil mukhang uulan.

  • Panghinaharap – Ito ang aspekto ng kilos kung saan ang pandiwa ay hindi pa nagyayari at gagawin pa lamang.

Halimbawa:

Hindi ako iiyak kapag aalis ka sa makalawa.
Mag-aaral ako mamaya para sa exams namin bukas.
Ito ang aking aawitin sa inyong kasal sa susunod na buwan.

Samakatuwid, ito ang mga salitang ginagamit na nagpapakita kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.

Ito ang ilan pang mga halimbawa:

  • umalis, umaalis, aalis
  • natakot, natatakot, matatakot
  • naglaro, naglalaro, maglalaro,
  • nanghingi, nanghihingi, manghihingi
  • nag-aral, nagaaral, mag-aaral
  • naglaba, naglalaba, maglalaba
  • umawit, umaawit, aawitin
  • binasa, binabasa, babasahin
  • natanggap, natatanggap, matatanggap
  • nagpulong, nagpupulong, magpupulong
  • tumakbo, tumatakbo, tatakbo
  • Sumakay, sumasakay, sasakay
  • nakita, nakikita, makikita
  • nagdasal, nagdarasal, magdadasal

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment