TAUHAN NG EL FILIBUSTERISMO – Sino ang mga tauhan sa nobelang El Filibusterismo at ang kanilang mga katangian sa kwento.
Ang nobelang El Filibusterismo ay o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ni Jose Rizal – ang karugtong ng Noli Me Tangere. At sa ikalawang nobela na ito, kilalanin ang mga tauhan at ang kanilang mga katangian.
Mga Tauhan Ng El Filibusterismo Na Isinulat Ni Jose Rizal
Mga Tauhan Ng El Filibusterismo Na Isinulat Ni Jose Rizal
EL FILIBUSTERISMO – Sa paksang ito, alamin natin ang mga tahuan sa nobelang El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Mga Tauhan
- Simoun
- Ang mag-aalahas na mayaman. Ang tagapayo ng Kapitan Heneral. Ang tunay niyang katauhan ay si Crisostomo Ibarra na bumalik upang maghiganti.
- Isagani
- Ang kasintahan ni Paulita at pamangkin ni Padre Florentino.
- Basilio
- Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Siya rin ang anak ni Sisa.
- Kabesang Tales
- Naghahangan ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
- Tandang Selo
- Ang ama ni Kabesang Tales na binaril ng kanyang apo
- Senyor Pasta
- Tagapayo ng mga prayle sa suliraning legal
- Ben Zayb
- Mamamahayag sa pahayagan na si Ibañez
- Placido Penitente
- ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
- Padre Camorra
- Ang paring mukhang artilyero
- Padre Fernandez
- Paring Dominikong may paninindigang malaya
- Padre Salvi
- Paring Fransiskanong dating kura ng San Diego
- Padre Florentino
- Amain ni Isagani
- Don Custodio
- kilala sa tawag na Buena Trinta
- Padre Irene
- Kaanib ng mga kabataan sa pagtatag ng Akademya ng Wikang Kastila
- Juanito Pelaez
- ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugóng Kastila
- Makaraig
- Mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
- Sandoval
- Kawaning Kastila na sang-ayon sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
- Donya Victorina
- Napagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina at tiyahin ni Paulita
- Paulita Gomez
- Ang kasintahan ni Isagani na ipapakasal kay Juanito Pelaez
- Quiroga
- Mangangalakan na Intsik na nagnanais na magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
- Juli
- Anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio
- Hermana Bali
- naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
- Hermana Penchang
- Mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
- Ginoong Leeds
- Ang Amerikanong nagtatanghal sa perya
- Imuthis
- Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
- Pepay
- Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibígan daw ni Don Custodio.
- Camaroncocido
- Isang Espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
- Tiyo Kiko
- Matalik na kaibígan ni Camaroncocido.
- Gertrude
- Mang-aawit sa palabas.
- Paciano Gomez
- Kapatid ni Paulita.
- Don Tiburcio
- Asawa ni Donya Victorina.
Mababasa mo ang buod ng nobelang ito dito.