METAPORA HALIMBAWA – Ang pagwawangis o metapora ay isang tuwirang paghahambing at ito ang mga halimbawa nito.
Ang kaibahan ng metapora o pagwawangis sa simili o pagtutulad ay hindi ito gumagamit ng mga salita o pariralang pagtutulad. Ito ang mga halimbawang pangungusap para mas maintindihan.
Halimbawa Ng Metapora – Mga Halimbawa At Kahulugan
Mga Halimbawa At Kahulugan Ng Metapora
HALIMBAWA NG METAPORA – Sa mga -sulat na sining, ang isang metapora ay isang importanteng instrumento ng isang manunulat.
![Halimbawa Ng Metapora - Mga Halimbawa At Kahulugan](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2020/03/halimbawa-ng-metapora.jpg)
Ito ay nagbibigay buhay sa mga bagay at kumukulay sa isang kuwento. Pero, ano nga ba ang Metapora?
Ito ay ang pagbibigay ng katangian sa isang bagay o tao sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ngisang bagay sa bagay na ihinhahambing.
Ang metapora (metaphor) ay naiiba lamang sa pagtutulad (simili) sa di paggamit ng mga salita o pariralang pagtutulad.
PAGTUTULAD
Para kang ahas.
You are like a snake.
METAPORA
Ahas ka!
You’re a snake!
Halimbawa:
- Si Ella ay isang magandang bulaklak.
- Ang bahay ni Peter ay isang malaking palasyo.
- Isa kang bituin ngayong gabi, Hellen.
- Ang aking ina ang ilaw ng tahanan.
- Si Ruth ay hulog ng langit.
- Isa kang anghel, Olivia.
- Sa kain ko ng kain, naging baboy na ata ako.
- Ikaw ang aking bituwin, Sinta.
- Ang kamay ng aktres ay yelo sa lamig dahil siya ay kinakabahan.
Sa Ingles:
- Ella is a beautiful flower.
- Peter’s house is a palace.
- You’re a star tonight, Hellen.
- My mother is the light of our home.
- Ruth is heaven-sent.
- You’re an angel, Olivia.
- Because of my non-stop eating, I turned into a pig.
- You are my star, my Love.
- The actress’s hand got cold as ice because of her nervousness.
BASAHIN RIN: Taho: Classic Filipino Snack Loaded With Flavor And Nutrition