TUNGKULIN NG WIKA – Talakayin ang iba’t ibang mga gamit at tungkulin ng wika at pag-aralan ang mga halimbawa ng mga ito.
Ang wika ay ginagamit sa pagpapahayag ng pangungusap at pagpapalitan ng impormasyon. At ang wikang Pilipino ay may mga spesipikong tungkulin at gamit. Pag-aralan ang mga ito.
Gamit At Tungkulin Ng Wika: Kahulugan At Halimbawa Nito
Ano Ang Mga Gamit At Tungkulin Ng Wika?
GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA – Ang wika ay may iba’t-ibang kahalagahan at tungkulin. Sa paksang ito, tatalakayin natin ang gamit at tungkuling nito.
Heto ang mga mga gamit ng wika:
Instrumental – ang wika ay ginagamit upang makuha ng tagapagsalita ang kanyang mga kinakailangan katulad lamang ng materyal o serbisyo.
Halimbawa:
- Pagtukoy sa nais bilhin na selpon sa isang mall
- Pag-order ng pagkain sa isang restawran
Interaksiyonal – Sa isang komunidad, may iba’t-ibang tao tayo na makikila o makakahalubilo. Kaya dapat matuto tayong makiisa o makipagkapwa sa kanila.
Halimbawa:
- Pagbati ng magandang umaga sa mga kapitbahay.
- Pagkwentuhan sa mga taong bagong mo lamang na kilala sa paaralan.
Personal – Ginagamit ito upang maipahayag ang sariling saloobin sa lipunang kinabibilangan.
Halimbawa:
- Pagpapahayag ng opinyon sa isang pulong.
- Pagiging bukas sa mga problema sa sarili.
Regulatori – Ang tungkulin ng wika dito ay kumontrol ng kilos, asal, o paniniwala ng ibang tao. Ginagamit rin ito sa pagimpluwensya ng tagapagsalita sa madla
Halimbawa:
- Pag-uutos ng tatay sa kanyang anak na lalaki.
- Pag-sasalita sa isang dibate.
Heuristic – Ito ang gamit ng wika na kadalasang makikita sa mga paaralan. Ito ang instrumentong ginagamit upang maragdagan ang kaalaman ng isang tao.
Halimbawa:
- Pagtanong sa isang guro tungkol sa paksang hindi mo intindihan.
- Pagdalo sa isang seminar.
Imahinatibo – Dito, ang tungkulin ng wika ay ang pag likha ng mga kwneto, tula, at iba pang mga mga malikhaing ideya.
Halimbawa
- Pagsulat ng nobela.
- Pag gawa ng bagong kanta.
Imahinatibo – ginagamit ang wika para magbahagi ng kaalaman. Ang halimbawa nito ay ang pag-uulat ng balita.
Halimbawa:
- Paguulat ng bagong kalagayan ng panahaon.
- Pagbabalita sa radyo o telebisyon.
BASAHIN RIN: Taong Panuruan In English – Tagalog To English Translations