Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Mga Gamit At Tungkulin Ng Wika?

GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA – Ang wika ay may iba’t-ibang kahalagahan at tungkulin. Sa paksang ito, tatalakayin natin ang gamit at tungkuling nito.

Heto ang mga mga gamit ng wika:

Instrumental – ang wika ay ginagamit upang makuha ng tagapagsalita ang kanyang mga kinakailangan katulad lamang ng materyal o serbisyo.

Halimbawa:

  • Pagtukoy sa nais bilhin na selpon sa isang mall
  • Pag-order ng pagkain sa isang restawran
Gamit At Tungkulin Ng Wika: Kahulugan At Halimbawa Nito

Interaksiyonal – Sa isang komunidad, may iba’t-ibang tao tayo na makikila o makakahalubilo. Kaya dapat matuto tayong makiisa o makipagkapwa sa kanila.

Halimbawa:

  • Pagbati ng magandang umaga sa mga kapitbahay.
  • Pagkwentuhan sa mga taong bagong mo lamang na kilala sa paaralan.

Personal – Ginagamit ito upang maipahayag ang sariling saloobin sa lipunang kinabibilangan.

Halimbawa:

  • Pagpapahayag ng opinyon sa isang pulong.
  • Pagiging bukas sa mga problema sa sarili.

Regulatori – Ang tungkulin ng wika dito ay kumontrol ng kilos, asal, o paniniwala ng ibang tao. Ginagamit rin ito sa pagimpluwensya ng tagapagsalita sa madla

Halimbawa:

  • Pag-uutos ng tatay sa kanyang anak na lalaki.
  • Pag-sasalita sa isang dibate.

Heuristic – Ito ang gamit ng wika na kadalasang makikita sa mga paaralan. Ito ang instrumentong ginagamit upang maragdagan ang kaalaman ng isang tao.

Halimbawa:

  • Pagtanong sa isang guro tungkol sa paksang hindi mo intindihan.
  • Pagdalo sa isang seminar.

Imahinatibo – Dito, ang tungkulin ng wika ay ang pag likha ng mga kwneto, tula, at iba pang mga mga malikhaing ideya.

Halimbawa

  • Pagsulat ng nobela.
  • Pag gawa ng bagong kanta.

Imahinatibo – ginagamit ang wika para magbahagi ng kaalaman. Ang halimbawa nito ay ang pag-uulat ng balita.

Halimbawa:

  • Paguulat ng bagong kalagayan ng panahaon.
  • Pagbabalita sa radyo o telebisyon.

BASAHIN RIN: Taong Panuruan In English – Tagalog To English Translations

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Gamit At Tungkulin Ng Wika: Kahulugan At Halimbawa Nito". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.