Tatlong Kaantasan Ng Pang-uri – Alamin at Pag-aralan

TATLONG KAANTASAN NG PANG-URI – Ating alamin at talakayin ang tatlong kaantasan ng pang-uri – lantay, pahambing, at pasukdol.

Madumi, mataas, mapait, masaya, mataba, masipag, at maliit, ay mga salitang nagtuturing o naglalarawan. Ito ay ilan lamang sa mga halimbawang salita ng pang-uri. At ang pang-uri ay may tatlong antas – Lantay na Pang-uri, Pahambing na Pang-uri, at Pasukdol na Pang-uri.

Kaantasan Ng Pang-uri – Kahulugan At Mga Halimbawa

Ano ang mga kaantasan ng pang-uri? Magbigay ng mga halimbawa.

KAANTASAN NG PANG-URI – Alamin kung ano ang kahulugan ng pang-uri at mga halimbawa ng tatlong kaantasan nito.

Ang pang-uri ay “bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan, ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang pangngalan”.

Kaantasan Ng Pang-uri

Ang mga salitang maganda, mataas, mapagbigay, pangit, mabango, mabaho, at mababa ay ilan lamang sa mga halimbawa nito. May kayarian ito: payak, maylapi, inuulit, at tambalan.

Bukod dito, ito ay tatlong kaantasan o antas. Ang mga antas na ito ay ang mga sumusunod:

  • Lantay – isang pangngalan o panghalip ang inilalarawan nito at hindi naghahambing sa ibang pangngalan o panghalip

Halimbawa:

  1. Ang mga online games ay nakakaaliw.
  2. Maganda ang pulang rosas.
  3. Mataas ang puno.
  4. Mabait ang aso.
  5. Mabaho ang hininga.
  • Pahambing – ito ay naghahambing ng dalawang pangngalan o panghalip na maaring magkatulad or di magkatulad.
    • Magkatulad
      Halimbawa:
      1. Magkasingganda si Anna at Elsa.
      2. Magkapareho ang ugali namin ni Queenie.
    • Di magkatulad
      1. Higit kong nagustuhan ang regalo mo ngayong taon kumpara noong taon.
      2. Mas mabaho ang bahay ni Roel kaysa kay Kyle.
  • Pasukdol – ito ang paghahambing ng tatlo o higit pang pangngalan o panghalip at ilan sa mga kataga na ginagamit sa ganitong antas ay sakdal, ubod, napaka, hari ng, pinaka, walang kasing- at lubha. 

Halimbawa:

  1. Ito ang pinakamasarap na leche flan na natikman ko.
  2. Higit na malamig ng tubig sa banga kaysa tubig sa ref.
  3. Sa aming tatlong makaibigan, si Kat ang pinakamatangkad.
  4. Ubod ng alat ng tubig-dagat sa parteng ito.
  5. Pinakatuso sa lahat ng mga tuso.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment