Ano ang mga layunin ng HUKBALAHAP? Bakit ito itinatag?
LAYUNIN NG HUKBALAHAP – Ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon o HUKBALAHAP ay itinatag laban sa mga Hapon at ito ang mga layunin nito.
Ang Pilipinas ay nasakop ng iba’t ibang mga lahi sa mahabang panahon at isa na dito ay ang Hapon. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa, ito ay umabot sa Pasipiko at sa Asya.
Mabilis na umakyat at lumaganap ang kapangyarihan ng mga Hapon at unti-unti nilang sinakop ang mga teritoryo sa Asya. Una ay ang Manchuria noong 1931 tapos ay ang border ng Tsina noong 1937. Nasakop din nila ang kabuuan ng Indo-Tsina (Cambodia, Laos at Vietnam) noong 1940.
At ang kanilang pagsakop sa Pilipinas ay may isang layunin – ang kontrolin ang ekonomiya nito.
Pero hindi nagpatinag ang mga Pilipino. May mga magigiting na tumayo para lumaban at tumangging makiisa sa kanila. Ang mga Hapones ay naging malupit sa mga Pilipino at sa panahon ng kanilang pananakop, ang kanilang kalupitan ay nagbunga at isa na dito ay ang HUKBALAHAP o Hukbong Bayan Laban sa Hapon.
Ito ay naitatag sa pamumuno nina Luis Taruc, Jesus Lava, at Jose Banal. Ito ang kilusan na binubuo ng mga magsasaka na handang makipaglaban sa mga Hapones na nais kamkamin ang kanilang mga sakahan.
Hindi lang ang kanilang sakahan ang pinagiinteresan ng mga opisyal na Hapon. Ang kanilang ani ay kinumpiska, pati na ang kanilang mga hayop at mga pananim.
Sinasabi na sila ay mas marahas kumpara sa mga gerilya at dan-dang mga Hapones ang nakitil ang buhay sa kanilang mga kamay.
Ano ang kanilang mga layunin?
- Pangalagaan ang kanilang mga sakahan.
- Pangalagaan ang katahimikan sa kanilang bayan.
- Upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas laban sa mga kalupitan ng mga Hapones.
- Mapaalis ang mga mananakop na Hapones sa Pilipinas.
READ ALSO:
- Philippine Map With Regions (List Of Philippine Regions)
- Panahon Ng Metal – Mga Pangyayari Sa Panahong Metal
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.