ANO ANG PAHAYAGAN – Ang pahayagan ay isang paglilimbag na naglalaman ng mga bagong balita at ito ang mga bahagi nito.
Bago naging uso ang telebisyon, radyo, at internet, mayroong pahayagan na pinagkukunan ng mga tao ng bagong balita at aliw. Ang mga balitang ito ay tungkol sa mga kaganapan sa lipunan.
Bahagi Ng Pahayagan – Ano Ang Mga Bahagi Ng Pahayagan?
Ano Ang Mga Bahagi Ng Pahayagan? (SAGOT)
PAHAYAGAN – Ang isang pahayagan o diyaryo ay naglalaman ng important impormasyon, ngunit, ano nga ba ang mga bahagi nito?
Lahat ng pahayagan ay iba-iba ang laman. Subalit, lahat rin sila ay may sinusunod na pormat o pag ayos ng mga bahagi nito.
Ito ang mga sumusunod:
- Mukha ng Pahayagan
- Pahinang Opinyon
- Editoryal o Pangulong Tudling
- Tanging Lathalain
- Anunsyo Klasipikado
- Pahinang Panlibangan
- Palakasan
- Buhay Artista
- Seksyong Pangangalakal
- Sine
Mukha ng Pahayagan – dito nakalagay ang pinakamainit at importanteng pangunahing balita.
Pahinang Opinyon – dito nakalagay ang mga personal na opinyon ng mga manunulat batay sa mga laganap na isyu.
Editoryal o Pangulong Tudling – dito mababasa ang mga opinyon, kuru-kuro at pananaw ng patnugot hinggil sa isang napapanahong isyu
Tanging Lathalain – dito nakalagay ang mga artikulong kawili-wili para sa mga mambabasa.
Anunsyo Klasipikado – Dito nakalagay ang mga patalastas tungkol sa iba’t-ibang mga bagay, produkto o serbisyo.
Pahinang Panlibangan – dito nakalagay ang mga paboritong komiks o mga puzzle katulog ng Sudoku at crossword.
Palakasan – dito mababasa ang mga balita at iskedyul tungkol sa laro at kung sino ang maglalaro.
Buhay Artista – dito nakalagay ang mga balita tungkol sa buhay ng mga artista.
Seksyong Pangangalakal – Dito naka lagay ang mga impormasyon batay sa kalakalan sa loob at labas ng isang bansa.
Sine – Dito nakikita ang mga palabas na pilikula sa mga sinihan na maaaring panoorin.
READ ALSO: Ano Ang Pananaliksik? – Depinisyon At Mga Halimbawa