Ano Ang Pananaliksik? – Depinisyon At Mga Halimbawa

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Pananaliksik”

PANANALIKSIK – Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano ang pananaliksik, ang depinisyon nito, at mga halimbawa.

Ang pananaliksik ay ang pag-alam o pagtuklas at pagsubok sa isang teorya. Ginagawa ito upang malutas ang mga problema at suliranin na kailangan gawan ng solusyon.

Ano Ang Pananaliksik? - Depinisyon At Mga Halimbawa

Bukod rito, ito rin ay isang sistematikong paghahanap ng mga importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o problema.

Isang halimbawa ng pananaliksik ay ang pagtuklas ng gamot para sa COVID-19. Ayon sa ilang mga experto, maaring 18 months hanggang 2 taon pa bago maka hanap ng gamot para dito.

Ang pananaliksik ay pwedeng ma hati sa iba’t-ibang klase depende sa kung paano ito gagawin. May pananaliksik na ginagamitan ng “social science” may iba naman na gumagamit ng quantitative o qualitative na impormasyon.

Ayon sa iba’t ibang mga manunulat, eto ang kahulugan ng pananaliksik.

  • Kerlinger, 1973
    • ito ay isang sistematiko, kontrolado, panigurado sa obsebasyon, at panunuri ng mga panukalang hypotetikal ukol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari
  • Manuel at Medel, 1976
    •  Ito ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o datos para masolusyonan ang isang karaniwang problema sa paraang siyentipiko
  • Aquina, 1974
    • Ito ay isang detalyadong kahulugan at isang sistematikong paghahanap at pagsusuri sa mga importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o suliranin

BASAHIN RIN: Katangian Ng Ibong Adarna – Kahulugan At Katangian Ng Ibong Adarna

Leave a Comment