Ano ang mga mahalagang pangyayari sa unang digmaang pandaigdig? Alamin!
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG – Ang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa unang digmaang pandaigdig.
Ang World War 1 o tinatawag ring “Ang Pandaigdigang Digmaan” (The World War), “Ang Digmaan upang Wakasan ang lahat ng mga Digmaan” (The War to End All Wars), “Ang Digmaang Kaiser” (The Kaiser War), “Ang Digmaan ng mga Nasyon” (The War of the Nations), at “Ang Digmaan sa Europa” (The War in Europe) ay naganap mula 1914 hanggang 1918.
Nagsimula ito sa pagitan ng dalawang magkalabang alyansa hanggang sa lumaganap ito sa buong mundo. Ang ilang mga bagay o kaganapan na nagdulot nito ay ang imperyalismo, militarismo, nasyonalismo, pagbuo ng mga alyansa, international anarchy, at mga pandaigdig na krisis.
Ito ang ilang mga mahalagang nangyari:
- Ang pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand, ang presumptive na tagapagmana ng Austro-Hungarian Empire, ng isang Bosnian Serb. Ito ang punong dahilan ng pagsiklab ng digmaan.
- Ang pagdeklara ng Austria ng digmaan sa Serbia noong 28 Hulyo 1914 sabay ang pagsalakay sa Belgrade. Matapos ang dalawang araw, kumilos ang Russia, kaalyado ng Serbia upang takutin ang Austria. At pagdating ng Agosto 1, ang Alemansya ay kumilos rin at sa parehong araw, ang Alemanya ay nagdeklara ng digmaan sa Russia.
- Noong 1917, ang pagtulak sa Estados Unidos na pumasok sa tunggalian. Dito na nagsimula ang pagpasok ng hukbo ng Estados Unidos. Nagdeklara ang Washington ng digmaan sa Germany noong Abril 6 at noong Hunyo 26. Noong 1918, isang milyong tropa ang ipinadala sa labanan. Sa pagtatapos ng digmaan, nagkaroon ng dalawang milyong sundalo at 117,000 ang napatay.
- Noong Nobyembre 11, 1918, sumuko ang Alemanya sa pormal na paraan. At magbuhat sa ganap na ito, sumuko rin ang lahat ng mga bansa.
- Noong Hunyo 28, 1919, nilagdaan ng Alemanya at ng Allied Nations ang Treaty of Versailles – indikasyon ng katapusan ng giyera.
READ ALSO:
- Unang Digmaang Pandaigdig – Mga Dahilang Nagbigay-Daan
- Edgar Allan Poe Poems – What Are His Most Famous Poems?
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.