Pilipinas Debates 2022: Closing Statements Of Aspiring Presidents

These are the closing statements of aspiring presidents in the Pilipinas Debates 2022. Check it out below!

PILIPINAS DEBATES 2022 – Aspiring presidents have these closing statements as Pilipinas Debates 2022 reached its ending.

For this year’s election, 10 officials were officially declared applying for the highest position in the country. Nine out of 10 aspirants attended the debate and the one that did not make it is Ferdinand Marcos Jr. because he’d rather campaign than attend debates. He has attended a few debates before but most invites for him were declined. Marcos is the only presidential candidate that denied the 1st Pilipinas Debates 2022 invitation.

Pilipinas Debates 2022

And now, as the debate ended, after the nine politicians aspiring to be president laid down their answers and platforms to questions about the problems of the country, they ended it with a closing statement that talks about why they deserve the position.

Maria Leonor “Leni” G. Robredo:

Ang kailangan po nating Pangulo, ‘yung magmamadaling samahan ka ‘pag nahihirapan ka, handang magsakripisyo para tulungan ka, handang harapin kahit sino para ipaglaban ka. Ako po may eleksyon o wala, bagyo ma, kahit anong sakuna. Pandemya o kahit anong problema, nandito po ako. Kahit ano pong kuwento ang ipakalat sa akin, ang totoo, kumpleto po kami ng resibo. Kaya huwag po nating hanapin ang ayaw namang humarap sa atin. Lahat na oras, nandito po ako, hinaharap kayo, ipinapakipaglaban kayo. True leader, show up and man up. Kaya po sa darating na Mayo, the best man for the job is a woman.

Jose “Joey” C. Montemayor Jr.:

Dalawa po ang maipapangako ko. Number 1, godly leadership. Sa gabay ng Diyos, ang bansa’y aayos. Pangalawa, there will be peace. No more IATF na nagpapagulo, no more mandatory vaccination na bina-viotale ang karapatang-pantao ng ating mga kababayan. No more bad policies of ‘No vax, No ride’… I appeal to you, my fellow Filipinos, na piliin niyo ang isang tao na nagpapakumbaba sa Panginoon.

Faisal “Fai” M. Mangondato:

Mga kababayan ko dito sa ating bansa, ang problema noon ay problema pa rin ngayon. Dito po sa lumang sistema ay hindi masosolusyunan anuman ang gawin ng magiging Pangulo dito sa ating bansa… Ang aming in-offer sa mga Pilipino ay lisanin na itong sistemang bulok na nagkakaroon ng sakit maski sinong umupo sa upuan ng pagkapangulo sa ating bansa.

Francisco “Isko” M. Domagoso:

Mga kababayan, ako po, ang tingin ko ang kailangan natin crisis manager. At hindi po sa pagbubuhat ng bangko, buong buhay ko po krisis ang kinaharap ko. Bilang basurero at 10 years old, side car boy, artista, hindi nakapag-aral sa gobyerno, lahat po ‘yun buong tapang ko pong hinarap upang malagpasan ang mga krisis sa buhay. ‘Yan po ang gagawin ko sa darating na dalawang taon, anim na taon, kung ako po ay bibigyan niyo ng pagkakataon maging pangulo.

Ernesto “Ernie” C. Abella:

Ang kahirapan [ng farmers] ay hindi dahil sa swerte kundi sa polisiya. Ang kanilang kahirapan ay nagiging profit para sa ibang tao. When they lose their farm lands, somebody else gains, somebody makes a subdivision out of it. So, sa nakita ko po, ang kailangan ay mapakinggan ang tao.

Leodegario “Leody” Q. De Guzman:

Ang kasaysayan ng pamahalaan sa Pilipinas ay nagpapakita na kung ang maboboto sa eleksyong ito ay galing na naman sa tuktok ng ating lipunan – mga milyonaryo, bilyonaryo o kaya ay suportado ng bilyonaryo, trapo, at dynastiya – walang pagbabago. Hindi sapat na magpalit ngm ukha ngp angulo sa Malacanang. Ang kinakailangan natin ay baguhin talaga ang sistema ng ating gobyerno…

Norberto “Bert” B. Gonzales:

Kahit anong ibigay na sagot ay parang hindi tama.Kung tayo po ay lalabas para magtrabaho at hindi iintindihin ang danger ng pandemic, baka mamatay tayo. Kung hindi naman tayo lalabas sa trabaho, baka tayo magutom. Ang nakikita ko po sa katayuan ng ating mga kababayan, laging ganyan. May nakikitang mga kandidato na tingin nila ay matalino at pwede nang maglingkod ng tama pero hindi naman popular at hindi na maaring manalo. Eh bakit mo pa pag-aaksayahan ng panahon yan?

Panfilo “Ping” M. Lacson:

Among all the presidential aspirants, narito man o laging absent, walang sino man kundi ako ang aktwal na nag-sugal ng sariling buhay sa pagligtas ng kung sino man. It takes a leader who is competent, qualified, and experienced to turn the promises of unity, bilis aksyon, angat buhay into reality.

Emmanuel “Manny Pacman” D. Pacquiao:

Si Manny Pacquiao po ay mapagkakatiwalaan. Hindi po ako magnanakaw at hindi ko po gagawin ang mangawat sa gobyerno. Kung si Manny Pacquiao, kung pag-uusapan ang paghihirap ay hindi po konsepto. Totoo po yang naranasan ko. Naranasan ko pong makatulog sa kalye, naranasan ko pong magutom, naranasan ko pong tubig lang ang inumin para maka-survive… Kaya gagawin ko ang lahat… Hindi po si Manny Pacquiao sinungaling. Sa ngalan ng Diyos, yun po ang aking kasunduan sa bayang Pilipinas.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment