Pagtalakay ng pang-abay na ingklitik at mga halimbawa nito sa pangungusap.
PANG-ABAY NA INGKLITIK – Ang kahulugan ng pang-abay na ingklitik at kung paano ito gamitin sa isang pangungusap.
Ang pang-abay o ang adverb sa Ingles ay nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Ang bawat uri nito ay nagpapahayag ng paraan, lugar, oras, dalas, antas, antas ng katiyakan, at iba pa at sinasagot ang tanong na paano, sa anong paraan, kailan, saan, at hanggang saan.
Mga iba’t ibang uri ng pang-abay:
- pamanahon
- panlunan
- pamaraan
- pang-agam
- ingklitik
- benepaktibo
- kusatibo
- kondisyonal
- pamitagan
- panulad
- pananggi
- panggaano
- panang-ayon
- panturing
- pananong
- panunuran
- pangkaukulan
At sa sulating ito, tatalakayin natin ang pang-abay na ingklitik. Ang ingklitik ay ang mga salita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap. Kung mawala man ito sa isang pangungusap, hindi nito maapektuhan o mababago ang mensahe o ideya ng pangungusap. Ito rin ang mga salita sa pagitan ng isang pangungusap na makakapag-bigay ng mas malinaw na kahulugan nito.
Ang mga halibawa ng ingklitik ay pa, kaya, naman, man, ay, aba, naku, rin, din, hala, hoy, aray, na, ala, sana, ha, na, ba, yata, pala, tuloy, nang, lamang, lang, muna, daw, at raw.
Mga halimbawa sa pangungusap:
- Nasaan nga pala ang mga pinamili ko sa tindahan?
- Bakit nga ba mahal kita.
- Hindi muna ako makakapag-college.
- May klase ako mamaya kaya hindi ako makakapunta sa iyong birthday party.
- Magpapahinga muna ako sandali.
- Wala na pala siyang ina.
- Hindi ko pa kaya na mamuhay ng mag-isa.
- Maiiyak na sana ako kung hindi siya dumating.
- Wala daw tayong klase ngayong hapon sabi ni Mrs. Dela Cruz.
- Huwag na lang kaya nating ituloy ang plano na umalis sa Sabado.
BASAHIN:
- Ano Ang Pang-Ugnay At Mga Halimbawa Nito Sa Pangungusap
- Kahalagahan Ng Wika Sa Lipunan – Bakit Mahalaga Ang Wika
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.