Pang-abay Na Pang-Agam Halimbawa, Ano Ang Pang-abay na Pang-Agam

Ano ang Pang-abay na Pang-agam at magbigay ng halimbawa.

PANG-ABAY NA PANG-AGAM HALIMBAWA – Ang kahulugan ng pang-abay na pang-agam at kung paano ito gamitin sa isang pangungusap.

Ang pang-abay o ang adverb sa Ingles ay ang mga salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Ang iba’t ibang uri nito ay nagpapahayag ng paraan, lugar, oras, dalas, antas, antas ng katiyakan, at iba pa. Sumasagot ito sa mga katanungang paano, sa anong paraan, kailan, saan, at hanggang saan.

Mga iba’t ibang uri ng pang-abay:

At sa sulating ito, tatalakayin natin kung ano ang pang-abay na pang-agam. Ito ang mga salita na naghahayag ng walang kasiguraduhang kasagutan, di-katiyakan sa kilos, o pag-aalinlangan. Mga halimbawa nito ay:

  • marahil (perhaps, probably, likely, possibly)
  • baka (maybe, perhaps)
  • tila (it seems, it appears that)
  • siguro (maybe, perhaps)
  • yata (maybe, it seems)

Mga halimbawa sa pangungusap:

  1. Marahil ay marami na ang nakakaalam ng aking itinatagong sekreto.
  2. Bukas na siguro tayo umalis dahil malakas pa ang ulan.
  3. Tila lilipas rin ang bagyo.
  4. Siguro ay huwag na nating ituloy ito dahil hindi naman tayo nagkaka-intindihan.
  5. Masama ang aking pakiramdaman kaya hindi yata ako makakakain ng maayos.
  6. Bukas pa siguro ang datingn iya mula sa Maynila.
  7. Baka sa susunod na linggo ay makapagbayad na ako ng utang.

READ ALSO:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment