Sagot Sa Tanong Na “Ano ANg Paksang Pangungusap?”
PAKSANG PANGUNGUSAP – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang paksang pangungusap at ang mga halimbawa nito.
Ang mga pangungusap ay mahalaga dahil sila ay nagbibigay ng impormasyon. Maraming uri ng pangungusap ang ating makikita at ginagamit sa pang araw-araw natin na buhay.
Ang paksang pangungusap ay nagpapakita ng pangunahing paksa ng isang buong talata. Matatawag din natin na kabuuang diwa ng buong talata ang paksang pangungusap.
Hindi katulad ng ibang mga paksa, ito’y matatagpuan sa unahan, gitna, o hulihan ng isang talata. Sa Ingles, ang paksang pangungusap ay tinatawag na “topic sentence”.
Pero, mahalaga na nasa unahan ito para mabigyan ng ideya ang mga madla kung ano nga ba ang kabuuang tema ng binabasa o diskurso. Karagdagan, malaking tulong din ito para maunawaan agad ang nais iparating ng awtor.
Bukod dito, nagiging daan din ang mga paksang pangungusap para talakayin o pag-aralan pa ng mas maigi ang mga explenasyon na posibleng ipakita ng awtor.
Ating tandaan na mahalaga ang impormasyon. Gayunpaman, mas mahalaga na masigurado nating tama ang impormasyong ating inilalahad.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pangngalan Worksheets Grade 3 Free Download