Bumuo Ng Pangungusap Gamit Ang Kasabihang “Tubig At Langis”
BUMUO NG PANGUNGUSAP – Sa paksang ito, tayo’y bubuo ng mga pangungusap gamit ang “tubig at langis”.
Ano nga ba ang tubig at langis? Ang Tubig at Langis ay isang kasabihan na nangangahulugang mga bagay na hindi magkakasundo.
Ito’y dahil ang tubig at langis ay dalawang bagay na imposibleng ipagsamasama o ihalo. Heto ang mga halimbawa ng pangungusap gamit ang tubig at langis:
- Si Peter at si Hector ay parang tubig at langis dahil sa kanilang mga pananaw sa buhay, hinding-hindi sila magkaka intindihan.
- Mahirap pagsamahin ang negosyo at pamilya, para itong tubig at langis.
- Para bang tubig at langis ang mga aso at pusa, mahirap silang pagsamahin.
- Si Eva at si Ayaia ay naging tubig at langis matapos agawin ni Eva ang kasintahan ni Ayaia sa kanya.
- Kapag tubig at langis ang pinag-uusapan, nasa-isip agad ng mga tao ay ang pulitika at relihiyon.
Dahil isang kasabihan ang tubig at langis, ito ay matatawag din na karunungang bayan. Ito ang mga halimbawa ng mga salita, pangungusap, kasabihan, bugtong, at iba pa na naipasa sa atin ng ating mga ninuno.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Anekdota Tungkol Sa Kaibigan Halimbawa At Kahulugan Nito