Kahulugan At Halimbawa Kung Bakit Mahalaga Ang Panitikang Komedya
PANITIKANG KOMEDYA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng panitikang komedya at ang mga halimbawa nito.
Maraming kahulugan ang komedya. Iba’t-iba ang pananaw ng mga tao sa komedya dahil ito’y nag-uudyok ng sari’t-saring mga emosyon na hindi lamang naka pokus sa katatawanan.
Ang Komedya ay isang panitikan na naglalarawan sa isang dramatikong akda na makabuluhan at may isang masayang pagtatapos.

Parehong nakakaaliw at nakakagigil, pati na rin ang nakakainis ang mga Komedya. Ito’y dahil ang sentral na paksa ng komedya ay ang pagtatagumpay sa kahirapan, na hahantong sa isang masayang konklusyon. Ngunit, layunin rin nito ang pagpapatawa at aliwin ang madla.
Ito’y nagsimula sa Athens, Greece. Simula noon, dumami na ang uri ng mga komedya katulad ng komedya ng katatawanan, komedya ng pag-uugali, komedya ng trahedya, at komedyang sentimental.
Masasabi rin natin na mahalaga sa Pilipino ang panitikang komedya dahil malaki ang impluwensiya nito sa ating kultura at tradisyon. Isang halimbawa nito ay makikita sa panahon ng mga Kastila sa komedyang tinatawag na “moro-moro”.
Ito ay isang drama na pormang berso na tumatalakay sa mga paksa ng buhay, pagkamoot, at iba pa. Ang komedyang ito ay kaling sa Kastilang komedya na ipinakita sa Pilipinas noong ika-16 na siglo.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Hakbang Upang Mapabuti Ang Pag-aaral – Halimbawa