Ano Ang Buod Ng Kuwentong Hukuman Ni Sinukuan? (Sagot)
HUKUMAN NI SINUKUAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang buod ng kuwentong “Hukuman Ni Sinukuan” at ang mga aral dito.
Si Sinukuan, ang hukom ng hayop, ay nakatira sa isa sa mga yungib sa Mount Arayat. Dati siya nakatira sa isang lugar na malapit sa bayan. Gayunpaman, dahil sa kanyang tapang at lakas, nagsimula mainggit ang mga tao hanggang sa puntong iniwasan siya ng mga ito.
Dumating ang isang panahon kung saan siya ay naging target ng maraming mga pagtatangka sa pagpatay. Bilang isang resulta, ipinagbili niya ang lahat ng kanyang pag-aari at mga kaibigan sa bayan at lumipat sa Mount Arayat. Ginugol niya ang lahat ng kanyang oras dito na nakikipagkaibigan sa mga hayop.
Hindi tumagal, nalaman mga hayop sa kagubatan ang kapangyarihan, katalinuhan, at pagiging makatarungan ng kanilang mabait na kaibigan. Kaya naman, siya ay itinanghal nilang nilang hukom.
Sa panahon na siya ay hukon, ang mga hayop ay pumunta sa kanya para ma-ayos ang kanilang mga problema sa isa’t isa. Unang pumunta sa kanya ang ibon na nagrereklamo dahil sa ingay ng palaka tuwing gabi.
Sabi ng palaka sa hukom, siya ay umiiyak dahil natatakot ito sa pagong na dala-dala ang bahay niya. Baka kasi siya ay malibing sa ilalim nito. Sagot naman ni Pagong, dala niya ang kanyang bahay dahil takot itong masunog ng apoy ni alitaptap.
Pagdating kay alitaptap, sinabi nito na dala niya ang kanyang apoy dahil natatakot ito sa matalim at matulis na punyal ng lalaking lamok. Pero, pagdating sa lamok, wala itong masabi at siya’y pinarusahan.
Sa panahon ng kanyang pagkakulong naglaho ang kanyang boses. Simula noon, ang lalaking lamok ay natakot na dalhin ang punyal nito dahil baka siya’y parusahan ng lubusan.
BASAHIN DIN: Bakit El Filibusterismo Ang Pamagat Ng Nobela Ni Dr. Jose Rizal? (Sagot)