Kahalagahan Ng Kultura Sa Kasalukuyang Panahon Halimbawa

Ano Ang Kahalagahan Ng Kultura Sa Ating Kasalukuyang Panahon? (Sagot)

KULTURA – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahalagahan ng kultura sa moderno nating panahon at ang halimbawa nito.

Ating tandaan na ang kultura natin ay naka-angat sa ating tradisyon. Ito ay nagbibigay sa atin ng kasarinlan at nagbibigay sa atin ng isang ideolohiya ng komunidad.

Ang kultura ay matatawag natin bilang kayamanang makikita lamang sa isang pangkat o grupo ng tao. Ito’y dahil ang kultura ng isang lugar ay kadalasang natatangi lamang sa lugar na iyon. Kaya naman, masasabi natin na ang kultura ay sumasalamin sa grupo ng mga taong naninirahan sa isang lugar.

Kahalagahan Ng Kultura Sa Kasalukuyang Panahon Halimbawa

Bukod dito, ang kultura ay nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, selebrasyon, kagamitan, at kasabihang nagagamit mula pa noon hanggang ngayon.

Ating masasabi na ang kultura ay mahalaga pa rin sa modernong panahon dahil ito ay ating bintana sa nakaraan. Totoo nga na dahil sa modernisasyon, dahan-dahang nawawala sa atin ang mga bagay at kaugalian na nagbigay sa atin ng kasarinlan.

Kaya naman, mahalaga ang kultura dahil ito ay nagiging daan para ating itanghal ang mga tradisyon ng nakaraan. Mula noon hanggang ngayon, ang mga aral, kaugalian, at tradisyon na kasama sa ating kultura ay patuloy pa rin na nagbibigay sa atin ng gabay. Dahil dito, dapat itong bigyang halaga.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ambag Ng Sining At Arkitektura ​Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment