Huwan Pusong By Sol Doronilla Penuela | Sabayang Pagbigkas
HUWAN PUSONG – In this topic, we are going to know about one of the Sabayang Pagbigkas poems titled “Huwan Pusong”.
A Sabayang Pagbigkas (roughly translates to Simultaneous Pronounciation in English) is a type of poem which, according to Jose Abad, is a congenial method of valuing the literature by means of having the choir speak in unison according to tone, strength or power. It is known in the English language as ‘Verse Choir’.
The poem we are going to read is one of the scripts that is used by performers in Verse Choir contests.
We are now going to read the poem Huwan Pusong made by Sol Doronilla Penuela.
Full Text
Here is the full text of the poem, according to this website:
Sa isang liblib na pook, may naninirahan
Tasyo at Tinay, mag-asawang huwaran
Nagsasama silang hikahos ang kabuhayan
Hirap man sila, sige nang sige lang.
Nagsasama sila sa tuwa’t ligaya
Salat man sa pagkai’t damit, naitatawid pa
Maigsi man ang kumot, bumabaluktot sila
Problema sa buhay, pinagtatawanan lang nila.
Tinay, Tinay, may pasalubong akong pakwan
Naku, isang biyaya para sa ating hapunan
Nakita ko ito na lulutang-lutang
Nang pauwi na ako mula sa kagubatan.
Ang pakwan agad nilang hinugasan
Anong himala biglang bumuka na lamang
Kababalaghan, lalaking sanggol ang laman
Di-mawari ng mag-asawang nahintakutan.
Aba ang sanggol ay agad na nangusap
Pag-aruga ng mag-asawa sa kanya ipalasap
Hulog ng langit, na kung kanilang matatanggap
Ligaya at maalwang buhay, totoong magaganap.
Huwan Pusong ang ibibinyag na pangalan
Batang nagbigay galak sa nagisnang magulang
Malakas, biglang laki at tila lobong hinipan
Sa mag-asawa siya’y yaman at kaligayahan.
Wiling-wili si Huwan sa pakikipaglaro
Ibon at hayop sa gubat kinakausap binibiro
Sa kanya sila’y kusang dumadapo
Kulisap, ahas, baboy-ramo sa kanya umaamo.
Isang araw si Huwan sinugo ng ina sa bayan
Mamili ng talangka at asin sa pananghalian
Sa unang pagkakalayo sa kanilang tahanan
Maraming umakit sa kanya sa kapaligiran.

Habang siya ay paakyat-akyat at patalun-talon
Nakita niya ang mga talangka sa kanyang paglingon
Bakit narito pa kayo mga talangka? Agad siyang umahon
Huwag kayong pumasok sa batuhan, sumisigaw si Huwan Pusong.
Umahon siya para kunin ang biniling asin
Tunaw na at parang bulang nawala rin
O hindi! Ano na lang ang aking gagawin?
Pagbalik ko sa dampa ng Inang ako’y sasakalin.
Bidang si Huwan Pusong sa kanyang pakikipagsapalaran
Marami pa siyang kuwento’t mga kabulastugan
Pero hups, ugali niya’y huwag na huwag tularan
Lalung-lalo na ang simple niyang katangahan.
READ ALSO: Tinig Ng Bagong Pilipino By Nenita Papa | Sabayang Pagbigkas