Bakit Ligtas Ang May Alam? – Paliwanag Ng Kasabihan

Sagot Sa Tanong Na “Bakit Ligtas Ang May Alam”?

LIGTAS ANG MAY ALAM – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba ligtas ang may alam.

Sa lahat ng bagay sa ating buhay ligtas talaga ang may alam. Ito ay dahil ang impormasyon at mga kaalaman ang ating pangunahing sandata laban sa mga hamon na hinaharap natin sa buhay.

Hindi lang ito makikita kapag may paparating na kalamidad. Ang Ligtas ang may alam ay ating magagamit sa buong buhay natin sa lahat ng aspeto. Halimbawa, kung ikaw ay nasa bahay at biglang umapoy ang isang kagamitang electrical.

Bakit Ligtas Ang May Alam? – Paliwanag Ng Kasabihan

Kung wala kang alam tungkol dito, kadalasan ay kukuha ka agad ng tubig at susubukang patayin ang apoy gamit nito. Subalit, hindi ito mamamatay sa tubig at mas lalo pang lalakas ang apoy at mag dudulot ng higit pang pinsala.

Ito ay dahil ang tubig ay isa sa pinakamainam na daluyan ng kuryente. Kapag ito’y binato mo sa apoy na electrical, mas lalong lalaki ito dahil mas marami ang magiging “short circuit”.

Kaya naman ating tandaan na ang ating kaalaman sa mga bagay-bagay ay malaking tulong sa atin sa iba’t-ibang sitwasyon. Walang mawawala sa atin kapag tayo ay mag-aral at matuto. Dahil dito, masasabi talaga natin na ligtas ang may alam.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: What Is The Scientific Name Of Bearded Vulture? (ANSWER)

Leave a Comment