Uri Ng Karunungang Bayan – Halimbawa Ng Uri Ng Karunungang Bayan

Ano Ang Mga Uri Ng Karunungang Bayan? (Sagot)

KARUNUNGANG BAYAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga uri ng karunungang bayan.

Ang mga karunungang bayan ay mga kwento at aral na ipinasa sa atin ng ating mga ninuno mula henerasyon hanggang henerasyon. Ito ay malaking parte ng kultura ng Pilipinas at dapat itong respetuhin at bigyang halaga.

Uri Ng Karunungang Bayan – Halimbawa Ng Uri Ng Karunungang Bayan

Kahit na ang mga kwento ng karunungang bayan ay kadalasang matanda na, ang mga aral nito ay maari paring gamitin hanggang ngayon. Heto na ang mga uri ng Karunungang bayan na dapat nating malaman:

  • Bugtong
    • Ang mga bugtong o palaisipan ay ginagamit na kahit pa sa sinaunang panahon. Walang pang teknolohiya na makaka akit sa atin noon, kaya naman, ginawang libangan ng mga ninuno natin ang kanilang kaalaman.
    • Sa pamamagitan ng mga bugtong, mas naging matulin ang pag-iisip natin at napipilitan tayong palakasin ang ating kritikal na pag-iisip.
  • Salawikain
    • Ang salawikain o kasabihan, o kilala rin na Proverbs. Ito ay konkreto, at tradisyunal na kasabihan na nagpapahayag ng katotohanan.
    • Bukod rito, galing rin ito sa mga kasanayan ng ating mga ninuno o mga taong nakakatanda sa atin.
  • Idyoma
    • Ang idyoma ay isang matalinhagang pagpapahayag ng isang ideya. Malayo ito sa komposisyonal na paliwanag ng isang ideya kung kaya’t ito ay itinuturing na hindi tuwirang pagbibigay kahulugan.
  • Kasabihan
    • Ang mga kasabihan ay nagbibigay ng payo at nagsasaad ng katotohanan ukol sa mga pang araw-araw natin na mga gawain, kilos, o disisyon sa buhay.
  • Palaisipan
    • Ito ay isang tanong o pangungusap na may natatanging sagot na iba sa karaniwan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: What Is Waylay? Definition And Usage Of This Term

Leave a Comment