Ano Ang Mga Pangunahing Halaga Ng Wika? (Sagot)
PANGUNAHING HALAGA NG WIKA – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang mga halaga ng wika at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan.
Ang wika ay may maraming kahalagahan sa ating lipunan. Ito ay ginagamit natin sa pang araw-araw na buhay. Subalit, hindi ito binibigyan ng ganoon kalaking importansya.
Heto na ang mga pangunahing halaga nito:
Pang-araw-araw nating Buhay – Ang wika ay ang pangunahing instrumento ng komunikasyon kahit nasaan kaman sa mundo. Mahalaga rin ito dahil ito’y ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Sa kasalukuyang panahon, mas mahalaga ang wika dahil ngayong pandemya, mahalaga ang pagbigay ng tamang impormasyon tungkol sa sakit na COVID-19.
Pamahalaan – Ang wika ay nagiging gabay at nagbibigay ng kaalaman sa kung ano ang katanggap-tanggap o hind batay sa mga batas na isinulat. Sa kasalukuyan, maraming korupsiyon ang nagaganap. Ang wika ay maaring ma gamit upang ipahiwatig ang katotohanan sa masa.
Media at Entertainment – Wala ang tinatawag nga media at entertainment kapag wala ang wika. Ito rin ang isang mahalagang aspekto ng tinatawag ng entertainment. Bukod rito, ang pagbibigay ng impormasyon at balita ay gumagamit ng wika.
Edukasyon – Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, “Ang Kabataan ang Pag-asa Ng Bayan”. Kung wala ang wika, hindi natin mapapalawak ang ating kaalaman, lalo na ang kaalaman ng mga kabataan.
BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Pakikipagtalastasan? – Mga Kahalagahan Ng Talastas