Share to Facebook Share to Twitter More...

Ang Buod Ng Kwentong “Si Matsing At Si Pagong”

MATSING AT PAGONG BUOD – Isang araw, may dalawang magkaibigang sina Matsing at Pagong.

Alam ni Pagong na tuso at mapagbiro ang kanyang kaibigang si Matsing. Subalit, si Pagong naman ay mabait at matulungin.

Isang araw, may nakita silang puno ng saging at naisipan nilang hatiin ang bunga nito. Kaya naman, pinutol nila sa dalawa ang puno.

Matsing At Pagong Buod At Mga Aral Mula Sa Kwento

Kinuha ni matsing ang itaas na parte ng puno kasama ang sobrang daming bunga ng saging. Pero, si Pagong naman ay naiwan ng ugat. Hindi rumeklamo si pagong dahil likas siyang mapagpasensya.

Inuwi niya ang kanyang puno, tinanim, at di naglaon ay nabuhay ang kanyang puno at namunga rin ng saging. Ngunit, si matsing naman ay muling nagutom at wala nang makain. Pero, hindi rin makukuha ni pagong ang bunga dahil masyadon mataas.

Sinabihan naman ni matsing si pagong na tutulungan raw siyang kunin ang saging. Ngunit, nung nasa itaas na ito, hindi niya binigyan ang kanyang kaibigan at nang asar pa.

Gustong turuan ni Pagong si Matsing ng leksyon at nilagyan nito ng mga tusok ang ilalim ng puno. Pagkababa ng Matsing, na tinik ito at nagalit kay Pagong.

Kinuha ni Matsing si Pagong at pinagalitan. Pagkatapos, tinanong niya ito kung saan niya gustong itapon, sa lusong o sa ilog. Sinabihan siya ni Pagong na gusto niyang bayuhin sa Lusong.

Dahil sa galit, akala ni Matsing gusto talaga ni Pagong sa lusong kaya naman na pagisipan niyang i bato na lang ito sa ilog. Subalit, matapos siyang ibato ni Matsing, nag pasalamat si Pagong dahil pangalawang bahay niya ang ilog.

Ang aral na makukuha sa kwentong si Matsing at Bagong ay simple lamang. Dapat, hindi mo minamaliit ang iyong kapwa. Bukod rito, dapat ring gumawa ka ng tama dahil balang araw, babalik rin ito sa iyo.

Karagdagan, kailangan mo ring mag-isip ng maagi para hindi ka maisahan ng mga taong gusto gumawa ng masama sa inyo. Panghuli, ay dapat mag isip ka rin para sa pangmatagalan, hindi lamang para sa ngayon.

BASAHIN RIN:
Pangyayari Sa Kasalukuyan (2020) – Mga Kasalukuyng Pangyayari

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Matsing At Pagong Buod At Mga Aral Mula Sa Kwento". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.