Ano Ang Salitang Pantransisyon? (Sagot)
SALITANG PANTRANSISYON – Ang isang talata ay binubuo ng mga pangugusap. Subalit, paano natin mapapadali ang paglipat sa isang pangugusap papunta sa sunod?
Dito pumapasok ang tinatawag na “pantransisyong salita”. Sa Ingles, sila ay tinatawag na “transition words”. Palagi naman nating ginagamit ang mga ito, ngunit, hindi lamang natin sila napapansin.

Ang mga salitang ito ay may kanya-kanya ring kategorya na pinapasukan. Halimbawa, may mga pantransisyon na “Pagdurugtong” tulad lamang ng “Saka, tapos, pagkatapos”.
Mayroon ring Pagbalik sa sinundang bahagi, “gaya ng sabi ko, katulad ng nakita natin, katulad ng nabanggit niya“.
Heto pa ang ibang mga halimbawa:
- Pagpapakita ng sanhi at bunga
- dahil dito, kaya iyon, bunga nito
- Pagkukumpara
- samantala, di tulad niyon, sa parehong paraan
- Pagbibigay-pokus sa panahon
- dati, ngayon, bago ang lahat
- Pagbibigay-pokus sa lugar
- doon, sa likod, sa pook na iyon
Halimbawa ng mga pangungusap gamit ang mga salitang pantransisyon:
- Pumunta ako sa paaralan para kumuha ng aking grado. Samantala, ang iba kong mga kaklase ay sa susunod pa na linggo pupunta.
- Dati, hindi ako marunong mag bisikleta. Pero, dahil sa pag praktis ko, natuto rin ako.
- Sa pook na iyon, maraming mga tao ang mgaling gumawa ng gitara.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
BASAHIN RIN: Mga Ideya Sa Akdang Ang Ama – Kaisipan O Ideya