Tina Marasigan Issues Apology After Receiving Threats Over Alleged “Pangdededma” on Live TV

Tina Marasigan Apologizes After Receiving Threats Over Alleged “Pangdededma” to Muslim Lady

The Pinay journalist Tina Marasigan issued a public apology after receiving death threats over alleged ‘Pangdededma’ on live TV.

Tina Marasigan has issued a public apology after receiving massive amount of criticisms and death threats over alleged “pangde-dedma” national TV last March 12, 2020. She also clarified the issue.

Marasigan distributes disinfectants to the Muslim residents along Commonwealth Philcoa while making her report. Unfortunately, there are some residents including a Muslim lady who failed to receive alcohol due to massive amount of people.

Tina Marasigan

A lot of Muslim people expressed their fury towards the 31-year-old journalist due to the incident. Some of them even send death threats and distasteful remarks against Marasigan.

The TV personality also explained it was just a part of the video and a lot of things happened behind the camera. She also reminded her bashers about humanity.

Tina Marasigan

Here is the full post:

First photo-Lima lang po yan sa mga pagbabanta na natanggap ko nitong mga nakaraang buwan. Nagagalit po sa akin ang ilang accounts na tila pag-aari ng mga kababayan nating Muslim. Maaaring ang iba ay troll.

March 12 namigay po ako ng alcohol sa Commonwealth Philcoa kasabay ng aking traffic report. Lumapit po ako sa hilera ng mga tao na nag-aabang ng jeep at namigay ng alcohol. May mga hindi po ako naabutan ng alcohol. Kasama po sa hindi ko naabutan ang isang Muslim na babae. Dahil dito, sobrang nagagalit ang ilan.

Muli, humihingi ako ng dispensa kung nasaktan ko ang damdamin ng babae at ng iba pang apektado nito. Hindi ko po sinadya na hindi siya mabigyan ng alcohol pati na rin ang iba pang nag-aabang ng masasakyan. Maraming nangyayari sa isang live segment kaya may pagkakataon na hati ang aking atensyon. Ang nakikita niyo sa telebisyon ay wala pa sa kalahati ng buong nangyayari sa isang live program. Napakaraming kinokonsidera sa likod ng kamera para masiguro na ligtas at maayos ang takbo ng aming ipapalabas lalo na kapag nasa kalsada kami. Sa pagkakataong iyon na namimigay ako ng alcohol, nasa gitna po kami ng kalsada at nilapitan namin ang mga nag-aabang ng jeep. Hindi po iyon pila para sa alcohol. Mga commuters po na nakahilera sa kalsada ang nilapitan namin sa commonwealth habang naghihintay ng masasakyan.

Mahal ko po ang trabaho ko. At mahalaga sa akin ang ginagawa ko bilang isang journalist. Bakit ko po sasadyain na sirain ang sarili ko o ang trabaho ko on National TV sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng alcohol sa isang Muslim? Hindi ko po yan gagawin. At sa nangyari, hindi ko po iyon sinadya. Nasa inyo na po kung tatanggapin niyo o hindi.

Kahit kailan ay hindi ko po ginawang mang-mata ng iba—mapa Muslim man o Kristiyano o kahit anong Relihiyon. Hindi po ako racist o anti-Muslim. Tawagin niyo po akong racist o anti-Muslim kung sinadya kong hindi bigyan ng alcohol ang babae o kung may ginawa akong masama sa kaniya.

Tanong ko po sa inyo, kahit saan mang banal na libro—Bibliya man o Koran, may nakalagay ba na tama ang manakit o magbanta sa buhay? Tama ba ang pumatay kahit idaan mo lang ito sa salita? Tama ba na ipagdasal mo at hilingin sa Diyos na mamatay na o magka-Covid o mawalan ng trabaho ang isang tao? Ang turo kasi sa akin, mali ito. MALI ITO. KASALANAN ITO. HINDI ITO GAWAIN NG TOTOONG MUSLIM O KRISTIYANO.

Sabi niyo po galit kayo sa bias. Pero sa lahat ng nakapanood ng video ng pamimigay ko ng alcohol, ISA lang po mula sa mga kapatid nating Muslim ang nagtanong nang MAHINAHON para makuha ang side ko bago magkomento. Hindi po siya naging bias. At ang sabi niya sakin
“concern lng po ako.. dhil been following you po.. and imprtnt po mkuha sides nyo pra di bias.. again, continue po sa paghelp and God bless po always. Im a muslim din po. And turo sa amin, and sa atin regardless sa religion na dpat di mapanghusga..
👍🏼

Ang pangalan po ng Muslim na ito ay Chong Alawi. Tinignan ko ang account niya at hindi siya troll. Hindi ko siya kilala pero sa tingin ko ay mabuti siyang tao. Dahil mabuti ang isang totoong Muslim.

Hindi ko po layunin na baguhin ang nasa isip niyo o prinsipyo niyo. Sa inyo po yan. Nais ko lang po na linawin muli—Hindi ko sinadya na hindi mabigyan ng alcohol ang kapatid nating Muslim at ang iba pang nag-aabang ng jeep.

Alam naman po ng Diyos ang totoo. Alam din po ng Diyos kung sino ang gumagawa at nagsasalita ng masama at ng mabuti.

#IndeedAllLivesMatter”

Tina Marasigan

What can you say about this report? Just feel free to leave your comments and reactions to this article.

Read Also: Ex Beauty Queen Bravely Takes Risks To Touch Black Nazarene

Leave a Comment