Kabanata 12 Noli Me Tangere – “Araw Ng Mga Patay / Todos Los Santos”
KABANATA 12 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 12 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabindalawang kabanata.
Ang Kabanata 12 ay may titulo na “Araw Ng Mga Patay” o “Todos Los Santos” na sa bersyong Ingles ay “All Saints”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Nasa kalagitnaan ng paghuhukay ang dalawang sepultorero sa sementeryo ng bayan. Ang sementeryo ay napabayaan sa kadahilanang wala itong tagapangalaga. May nasasabi na mayroong krus ito na nakatirik sa isang bato sa gitna ng libingan.
Habang abala ang mga sepultorero sa kanilang paghuhukay, naisipan nilang kwentuhan ang isa’t isa ukol sa karanasan nila sa trabahoo.
Ang mas bata at bahuhan ay ng sinambit na bagong lipat lamang siya sa bayan dahil hindi niya kaya ang mga utos sa kanya sa natrabahuan niyang libingan dati, lalo na ang paghukay ng bago pa lamang kakalibing para ilipat ito sa ibang lugar.
Ang matanda namang sepulturero ay inilahad niya ang karanasang may isang bangkay na dalawampung araw palang naililibing na ipinahukay sa kanya. Ang bangkay raw ay sariwa.
Inutusan siyang ilipat sa libingan ng mga Intsik pero hindi niya ito nagawa dahil sa lakas ng ulan. Itinapon niya na lang sa lawa ang bangkay. Ang nagutos sa kanya ay isang prayleng nag-ngangalang Padre Garrote
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 11 – Ang Mga Makapangyarihan
Kabanata 13 – Mga Unang Banta Ng Unos