Bapor Tabo: Ang Sinisimbolo Nito Sa El Filibusterismo

Ano Ang Sinisimbolo Ng Bapor Tabo Sa El Filibusterismo?

BAPOR TABO – Ang sulat ni Jose Rizal na El Filibusterismo ay isang sulat na maraming simbolismo na nakapaloob.

Bapor Tabo: Ang Sinisimbolo Nito Sa El Filibusterismo
Image from: Emaze

Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano nga ba ang sinisimbolo ng Bapor Tabo, isang barko sa sulat ni Jose Rizal.

Ang barkong ito ay sumisimbolo sa pamahalaan. Ito rin ay inihahalintulad sa mamalakad ng mga kastila at sa kalagayan ng bansa sa kanilang pananakop.

Halimbawa:

Ang mabagal na pagtakbo ng bapor sa ilog Pasig ay simbolo ng mabagal na takbo ng kaunlaran sa Pilipinas. Higit pa rito, ang pagunlad ay mabagal dahil natatakot ang mga naka pwesto na kung uunlad ang bansa, mawawala rin ang kapangyarihan nila.

Mababaw na tingin ng mga Kastila sa mga Pilipino.

Ang mga tao na nasa itaas ng kubyerta ay kinabibilangan ng mga mayayaman at kilala sa lipunan mga prayle na karamiha’y mag dugong Kastila.

Samantala, ang mga Pinoy naman ay nasa ibaba ng Kubyerta at nagtitiis sa init ng singaw ng makina ng barko.

Relihiyon O Gobyerno

Ang bapor tabo ay may pabilog na hitsura. Sa unang tingin, hindi mo malalaman kung alin ang unahan sa likuran. Katulad lamang nito ang hindi kasiguraduhan kung alin ang susundin, gobyerno o simbahan.

Ito ay dahil ang dalawa ay may kanya-kanyang interest para sa ating bayan. Subalit, hindi lahat ng interest nila ay nakakabubuti.

Basahin: Kabanata 1 El Filibusterismo – “Sa Ibabaw Ng Kubyerta” (BUOD)

Leave a Comment