Kabanata 31 El Filibusterismo – “Ang Mataas Na Kawani” (BUOD)
KABANATA 31 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 31 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 38 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung-isang kabanata.
Ang Kabanata 31 ay may titulo na “Ang Mataas Na Kawani” na sa salng Ingles ay “The High Official”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Sa tulong ni Ben Zayb, hindi lumabas sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Juli. Ang lumabas lang sa sirkulasyon ay ang kabutihan ng Heneral na gawa-gawa lamang nila.
Nakalaya na sa piitan sina Isagani at Makaraig ngunit nasa loob pa ng bilangguan si Basilio.
May dumating na mataas na kawani at nais nitong palabasin si Basilio sa kulungan. Sinabi niyang mabuti ang binata at sa katunayan ay malapit nang matapos sa kursong medisina.
Gayunman, lalong napahamak si Basilio dahil sa sinabi ng kawani. Panay kasi ang pagtuligsa ng Heneral sa mga sinasabi nito.
Sinabihan ng kawani ang heneral na dapat itong matakot at mahiya sa bayan. Sabi naman ng heneral ay may utang na loob siya sa Espanya dahil sila ang nagbigay ng kapangyarihan at hindi ang mga Pilipino.
Bigong lumisan ang kawani na kinabukasang nagbitiw sa pwesto at babalik na sa Espanya.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 30 – Si Huli | Si Juli
Kabanata 32 – Ang Bunga Ng Mga Paskil