Share to Facebook Share to Twitter More...

Kabanata 32 El Filibusterismo – “Ang Bunga Ng Mga Paskil” (BUOD)

KABANATA 32 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 32 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.

KABANATA 32 EL FILIBUSTERISMO

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.

Ang nobela ay may 38 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung-dalawang kabanata.

Ang Kabanata 32 ay may titulo na “Ang Bunga Ng Mga Paskil” na sa salng Ingles ay “Effect Of The Pasquinades” lamang. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Nagbago ang mukha ng edukasyon sa San Diego dahil sa nangyaring pagpapaskil. Wala na halos mga magulang na nagpapaaral ng mga anak samantalang bihira naman ang nakakapasa sa mga pagsusulit.

Kabilang sa mga hindi nakapasa sina Makaraig, Juanito Pelaez, Pecson, at Tadeo. Natuwa pa si Tadeo na di nakapasa at sinunog pa ang mga libro nito.

Nagmamadali namang magpunta sa Europa si Makaraig samantalang si Juanito ay kasama ng ama sa negosyo.

Pinalad namang pakapasa si Isagani at Sandoval habang wala pang pagsusulit si Basilio dahil nakulong pa ito.

Nabalitaan na rin ni Basilio ang nangyari kay Juli at ang nawawalang si Tandang Selodahil sa kutserong si Sinong.

Napabalira ring ikakasal na sina Juanito at Paulita. Dahil doon ay magkakaroon umano ng isang piging na inaabangan na ng mga tao roon. Ito ang unang malaking pagtitipon matapos lumaganap ang takot sa kanilang bayan.

BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 31 – Ang Mataas Na Kawani
Kabanata 33 – Ang Huling Matuwid

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Kabanata 32 El Filibusterismo – “Ang Bunga Ng Mga Paskil” (BUOD)". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.