Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Anekdota? (Ang Sagot)

ANEKDOTA – Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano nga ba ang anekdota at mga halimbawa nito.

Anekdota: Mga Halimbawa Ng Anekdota (Anecdote)

Ito ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa nakakatawa o kakaibang pangyayari o insidente.

Ngunit kahit nakakatawa man ito, ang layon ng anekdota ay ang pagbibigay ng magandang karanasan na may importanteng aral.

Mga halimbawa ng Anekdota:

TSINELAS NI JOSE-RIZAL

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

NAGREREKLAMO NA TAKOT

Isang babae ang pumunta sa polce upang mag reklamo. Siya raw ay pinagsamantalahan ng kanyang manliligaw matapos niya itong biguin.

“Kailan pa ito nangyari” tanong ng pulis. Sumagot ang babae “Noon pa hong 1977”.

“Bakit ngayon lang kayo nag report? Dapat sana’y noon pa!”, sabi ng Police.

“Tinakot niya po ako na papatauin niya kapa ako’y nag sumbong”, kinikilabutan na pasagot ng bababe.

“Ganoon ba?”, tanong ng police. “E bakit ngayon ay nag report na ho kayo?, dagdag niya.

Sagot ng babae, ” Dahil patay na po siya at wala nang papatay saakin kapag ako’y nagsumbong sa mga awtoridad.

BUHAY NI RIZAL

Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada. 

Datapuwa’t ang tugon ni Ina’y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe’y nagpumilit kaya’t sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa’titik.

Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin.

Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.

BASAHIN RIN: PANITIKAN – Ano Ang Mga Anyo At Mga Akda Nito?

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Anekdota: Mga Halimbawa Ng Anekdota (Anecdote)". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.