Share to Facebook Share to Twitter More...

Kabanata 7 El Filibusterismo – “Si Simoun” (BUOD)

KABANATA 7 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 7 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.

KABANATA 7 EL FILIBUSTERISMO

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.

Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlong kabanata.

Ang Kabanata 7 ay may titulo na “Si Simoun” o sa Ingles ay “Simoun” lamang. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Pauwi nawa si Basilio nang may narinig siyang mga papalapit na yabag at liwanag . Nagtago siya sa puno ng Balete. Sa kabiuila ng punong ito tumigil ang dumating, Nakilala ito ni Basilio – Si Simoun nang mag-alis ito ng salamin. Nagsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng isang asarol.

Naalala si Basilio. Ito ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog sa isa pang lalaking doon namatay. Nag-isip si Basilio:

“Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na nagbubuhay Simoun – ang si Ibarra?”

Nagpakita na kay Simoun si Basilio at naghandog ng pagtulong bilang ganti sa tulong na ipanagkaloob nito may 13 taon na ang nakalilipas. Tinitutukan ni Simoun ng baril si Basilio. Tanong ni Simoun.

“Sino ako sa palagay mo?”

Tugon ni Basilio:

“Kayo po’y isang taong mahal sa akin, kayo’y ipinalalagay ng lahat, matangi sa akin, na patay na at ang mga kasawian sa buhay ay madalas kong ikinalulungkot.”

Lumapit si Simoun kay Basilio:

“Basilio, ika’y naghahawak ng isang lihim na maaring magpangayaya sa akin, at ngayo’y natuklasan mo pa ang isa na kung mabubunyag ay ikasisira ng aking mga balak.”

At sinabi niya na dapat niyang patayin si Basilio upang iligtas ang kanyang layunin.

“Gayunman, hindi ko marahil pagsisihan na ika’y di ko patayin. Gaya ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan. Dapat tayong magtulungan”

Inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Isinalaysay nito ang pagkakapaglibot sa buong daigdig upang magpakayaman. Nagbalik siya upang ibagsak ang pamahalaang marumi sukdang ipagdanak ng dugo. Siya raw ay nagpapalala sa pag-iimbot at pagmamalabis ng taong pamahalaan at simbahan upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik.

Nguni’t sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan na nagbabalak magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila at humihinging gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino.

Ito raw ay magbibigas daan sa bansa sa pagiging bayang walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika. Nais ni Basilio na matulad ang Pilipinas sa mga bansang magugulo sa Timog Amerika.

Ayon kay Basilio ang Kastila ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas. Pinabulaan ito ni Simoun:

“Ang Kastila kailanman ay di magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito; sapagka’t sa mga kulubot ng kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa wikang iyan.”

Iilan lang daw ang makapagsalita ng Kastila at ang mga ito’y mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, paaalipin. Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat na naghahangad luminang sa wikang Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili nilang wika. Tinuligsa rin niya ang mga nagpapanggap na di sila maalam magsalita at umunawa ng sariling wika.

Mabuti raw sabi ni Simoun at hangal ang pamahalaang Kastila na ayaw magpaturo ng wikang ito sa mga nasasakupang di tulad ng Rusya at Alemanya. Aniya:

“Kayo’y nakalilimot na habang ang isang bayan ay may sariling wika, napananatili rin nito ang kanyang paglaya. Ang wika ay isang pag-iisip ng bayan”

Inihimutok ni Simoun na ang kilusang kabataan sa pagpapaturo ng Kastila ay ipinagdurusa ng kanyang loob. Naniniwala siyang matapat sa kabataang ito ang paniniwala na sa kapakanan ng bayan ang kanilang ginagawa. Ninais niyang kausapin sina Isagani at Macaraeg. Nguni’t baka di siya pakinggan ng mga ito. Naisip rin niyang pagpapatayin ang mga ito.

Nagpatuloy si Simoun ukol sa kilusang ibinusod ng kabataan. Bukod sa isang pag-aaksaya ng panahon ay nilinlang ninyo ang bayan sa pag-asa sa wala at tinutulungan ninyong magyuko ng ulo sa mga mapangamkam.

“Ayaw silang matulad kayo sa mga Kastila? Napakabuti! Paunlarin ninyo ang katutubong ugali. Ayaw kayong bigyan ng kinatawan sa Kortes? Mabuti. Ano ang magagawa ng isang tinig sa karamihan? Habang nagmamaramot sila sa pagbibigay ng karapatan sa inyo lalong malaki ang matatamo ninyo pagkatapos upang ibagsak sila at gantihan ng sama ang sama. Ayaw ituro sa inyo ang kanilang wika, paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa. Huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito at sila’y bahagi ng bayang ito kundi manlulupig at dayuhan. Sa gayo’y matatamo ninyo ang paglaya. Iyan ang dahilan at binayaan ko kayong mabuhay!”

Nakahinga si Basilio at sabi niya di siya pulitiko. Lumagda siya sa kahilingal ukol sa paaralan dahil inaakala niyang iyo’y mabuti. Sa panggagamot daw siya nakaukol.

Sa kasalukukuyang kalagayan daw ay di makapanggagamot nang mahusay si Basilio ayon kay Simoun. Ang sakit ng bayan ay siyang higit nangangailangan ng kagamutan. Walang halaga ang buhay na hindi nauukol sa isang layuning dakila.

Sabi ni Basilio pinili raw niya ang siyensiya para makapaglingkod sa bayan. Nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap. Ang karunungan ay panghabangpanahon, makatao at pandaigdig. Sa loob ng ilang daantaon, kapag ang sangkatauhan ay tumalino na, kung wala nang lahi-lahi, lahat ng bayan ay malaya at wala nang mang-aalipin at napaaalipin, iisa na ang katarungan at lahat ng tao’y mamamayan na ng daigdig at ang tanging layunin ng tao ay pagkakamit ng karunungan, ang salitang kagitingan at pag-ibig sa bayan ituturing na panatisismo o kabaliwan at ikabibilanggo ng nagsasabibig nito.

Napailing si Simoun. Upang makaabot sa kalagayang sinabi ni Basilio, kailangan munang lumaya ang mga tao at ito’y nangangailangan ang mga tao. Ang sinabi raw ni Basilio’y pangarap lamang. Ang kadakilaan ng tao ay di magagawa sa pagpapauna sa kanyang panahon kundi nasa pagtugon sa kanyang pangangailangan at hangarin sa pag-unlad.

Napuna ni Simoun na hindi naantig ang kalooban ng binata. Inulos niya ng tuya si Basilio. Sinabi ni Simoun na walang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang bangkay ng ina na parang babae. Tanong ng binata:

“Paano ako makapaghihiganti?”

“Ako’y dudurugin lamang nila.”

Sinabi ni Simoun na tutulungan siya. Hindi na raw bubuhayin ng paghihiganti ang ina o kapatid niya, tugon ni Basilio.

“Ano ang mapapala ko kung sila’y ipaghihiganti?”

“Makatulong ka sa iba nang di magdanas ng gayon ding kasawian”

Ang pagpapaumanhin ay hindi laging kabaitan kundi ito’y kasalanan na nagbibigaay-daan sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin. At ipinaalaala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito ang dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi ay siya pa ang kamumuhian.

“Likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi”

“Nguni’t di ko sila pinakikialaman; pabayaan nila akong makagawa at mabuhay”

Tugon ni Basilio na sinundan ni Simoun ng:

“At magkaanak ng mababait na alipin ang mga damdaming mabuti o masama ay namamana ng anak. Kayo ay walang hangad kundi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot na bigas; at iyan ang mithiin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa inyo, ituturing ninyong kayo’y mapalad na.”

Nagmamadaling araw na. Matapos sabihing di niya pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa Escolta. Nagpasalamat si Basilio. Naiwan si Simoun na nag-iisip:

“Di kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak itong maghiganti nguni’t naglilihim lamang at nais sarilinin iyon o sadyang wala nang hangad maghiganti”

Lalong nagtumining sa loob ni Simoun ang matinding nasa na makapaghiganti.

BASAHIN DIN
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 6 – Si Basilio
Kabanata 8 – Maligayang Pasko

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Kabanata 7 El Filibusterismo – “Si Simoun” (BUOD)". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.